Pagpili ng isang paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis

Pagpili ng isang paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis

Mayroong iba’t ibang mga paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis. Ngunit ang pagpapasya kung aling pamamaraan ang tama para sa iyo ay isang napaka-personal na desisyon. Tanging ikaw lamang ang ganap na nakakaintindi sa iyong katawan, iyong pamumuhay at iyong mga pangangailangan. Ikaw lang din ang nakakaalam kung ano ang nararapat para sa iyo, hindi kung ano ang sasabihin sa iyo ng ibang tao. Narito lamang kami upang ibigay sa iyo ang mga katotohanan at tulungan kang magdesisyon sa lahat ng mga pagpipilian.
Relaks, uminom ng tsaa at tayo’y magsisimula!

Panahong itinagal

Kung ang pagbubuntis para sayo ay matagal-tagal pa (ibig sabihin, higit sa 3 taon) – kung gayon ang implant, copper IUD at hormonal IUD ay ang mga pinakamahusay na mga pagpipilian. Sila ay epektibo na maaaring saklaw mula 3 hanggang 12 taon. Bilang karagdagan, sa mga pamamaraang ito, manunumbalik ang iyong pertilidad halos kaagad pagkatapos itong matanggal.

Kung ito ay masyadong mahaba pakinggan, ila sa panandaliang pamamaraan na maaaring pagpilian ay injectable na tumatagal ng 1 hanggang 3 buwan.

May mga pamamaraan na nagbibigay sa iyo ng proteksyon para sa solong paggamit, ang ilan dito ay kailangang ihanda bago makipagtalik tulad ng diaphragm, spermicides, espongha, cervical cap at singsing. Gayundin sa kategoryang ito mahahanap natin ang kondom para sa babae at lalaki. Tandaan, dapat kang gumamit ng ibang kondom sa bawat oras ng pagtatalik.

Hormones

Maraming mga alamat tungkol sa paggamit ng mga hormone bilang isang paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis – lalo na ang kakila-kilabot na mga epekto kasama nito. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi talagang nakaugat sa agham, at maraming mga pag-aaral ang napatunayan ang kanilang kaligtasan.

Mayroong iba’t ibang kumbinasyon ng mga hormone. Hindi ito umaangkop sa lahat – iba’t ibang mga katawan ay nag-metabolize ng mga hormone sa iba’t ibang paraan. Karamihan sa mga hormone ay naglalaman ng progesterone, o isang kombinasyon ng progesterone at estrogen na tumutulong sa pagkontrol ng iyong regla at pag-iwas sa pagbubuntis. Sa katunayan, ang hormonal na pagpigil sa pagbubuntis ay maaari ring makatulong sa mga kababaihan na mayroong endometriosis o fibroids na nagdudulot ng matinding sakit at matinding pagdurugo. Ang ilang mga pagpipilian na maaari mong isaalang-alang ay ang Hormonal IUD, ang implant, contraceptive pill o ang patch.

Kung hindi maganda ang iyong karanasan sa isang pamamaraan, huwag tanggalin ng ganap ang hormonal contraception! Maaaring may isa pang pagpipilian na gumagana para sa iyong katawan. Gayunpaman, kung mas gusto mong huwag gumamit ng mga hormone: ang copper IUD ay isang mahusay na alternatibo sa pagiging napaka-epektibo, ay tumatagal at hindi nangangailangan ng higit pa sa isang taunang pagsusuri sa iyong doktor. Maaari mo ring gamitin ang condom (babae at lalaki).

Sariling-pamamahala o may mga pagbisita sa doktor?

Ang mga pamamaraan tulad ng patch, pills, kondom, cervical cap, diaphragm o spermicides ay madalas na makuha sa counter at nagbibigay-daan sa iyo upang sariling mapangasiwaan ang mga ito nang hindi na kailangan pumupunta sa isang doktor. Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, gayunpaman, ang responsibilidad na gamitin ito nang palagi at tama ay nasa iyo. Halimawa, sa pildoras, kailangan mong tandaan na dalhin ito araw-araw; sa mga kondom naman ay kakailanganin mong ilagay ito nang tama at gamitin ito nang regular para gumana!

Kung nahihirapan ka sa mga ito, baka gusto mong isaalang-alang ang maginhawa at pangmatagalan na mga pamamaraan gaya ng: ang IUD, implant o injectable. Ang IUD (hormonal at hindi hormonal) at implant ay kailangang maipasok sa tanggapan ng isang doktor; habang ang injectable ay mangangailangan ka upang bisitahin ang doktor tuwing 1, 2 o 3 buwan, depende sa uri na iyong pinili.

Patuloy na proteksyon

Kung ikaw ay nasa isang pangmatagalang relasyon at regular na nagtatalki, ipinapayong gumamit ng isang pamamaraan na nagbibigay sa iyo ng palagiang proteksyon tulad ang pill, injection, implant o mga IUD.

At kung ang iyong mga relasyon ay panandalian ay maaari mong gamitin ang mga pamamaraan tulad ng kondom o ang diaphragm at spermicides, na magagamit lamang kapag magkakaroon ka ng sekswal na aktibidad.

Tulong sa emergency

Ang emergency contraceptive pill ay ang pinakamahusay na pagpipilian kung mayroon kang mga pagdududa tungkol sa paggamit ng tama na paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis o kapag walang proteksyon. Ang tableta na ito ay maaaring dumating sa alinman sa isa o dalawang pormula, na parehong epektibo.

Tandaan na inumin ito sa lalong madaling panahon sa loob ng unang 72 oras pagkatapos ng pakikipagtalik dahil nakakabawas ng pagiging epektibo sa bawat araw.

Ang emergency contraceptive pill ay hindi nakakaapekto sa pertilidad, at walang pagkaantala sa dito pagkatapos uminom ng mga ECP ayon sa World Health Organization.

Gayundin, ang Copper IUD ay maaaring magamit bilang emergency contraceptive. Gumagana ito hanggang 5 araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtatalik, at protektado ka ng hanggang sa 12 taon.

Tanungin ang iyong doktor

Huwag mag-atubiling bisitahin ang iyong doktor para sa isang konsultasyon, depende sa iyong medikal na kasaysayan o sa iyong edad, posible na ang isang pamamaraan ay mas mahusay kaysa sa iba pa para sa iyo. Ngunit gawin din ang iyong sariling pananaliksik tungkol sa mga pagpipiliang kontraseptibo, at tanungin ang iyong doktor tungkol dito. Kung makakatulong ito, magdala ng isang kaibigan o iyong kasosyo upang makatulong sa lahat ng mga pagpipilian!

Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa magagamit na mga pamamaraan ng pagpigil sa pagbubuntis, bisitahin ang findmymethod at subukan ang aming Contraceptive Finder ayon sa iyong mga kagustuhan, at maaari mo ring ihambing ang mga pamamaraan nang magkakatabi.

Ang Find My Method ay nakahanda kung mayroon kang mga katanungan, makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng aming mga social account: Facebook, Instagram at Twitter, o magpadala sa amin ng isang email sa info@findmymethod.org para sa iyong mga katanungan.


Sanggunian:

  • World Health Organization Department of Reproductive Health and Research (WHO/RHR) and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health/Center for Communication Programs (CCP), Knowledge for Health Project. Family Planning: A Global Handbook for Providers (2018 update). Baltimore and Geneva: CCP and WHO, 2018
  • Burkman R, Schlesselman JJ, Zieman M. Safety concerns and health benefits associated with oral contraception. American Journal of Obstetrics and Gynecology 2004, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15105794
  • Emergency contraception, World Health Organization, February, 2018, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/emergency-contraception