Ano ang kontraseptibong dayapragm?
Ang dayapragm ay isang mababaw, hugis-kalot na tasa na may malambot at maliksi na gilid na inilalagay sa ibabaw ng cervix bago makipagtalik. Karaniwan itong inilalagay nang malalim sa loob ng vagina. Kapag inilagay mo ang dayapragm sa iyong vagina, tinatakpan nito ang iyong cervix at pinipigilan ang sperm na pumasok sa iyong matris. Bago isingit sa vagina, ang kontraseptibong dayapragm ay kinakalot muna ng pamatay binhi (spermicide).
Habang karaniwan ang mga diaphragms na gawa sa latex, mayroon ding mga dayapragm na gawa sa plastik o silicone sa iilang lugar.
Ang mga dayapragm ay may iba’t ibang sukat at upang magamit ito nang tama, kailangan mo ng unang pagkakasukat o tukoy na mga tagubilin sa pagsuot mula sa isang sanay na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Maaaring gawin ang pagsusuri sa pelvik para matukoy ang tamang sukat (1).
Paano gumagana ang kontraseptibong dayapragm?
Ang kontraseptibong dayapragm ay nag-iwas sa pagbubuntis sa pamamagitan ng paglikha ng pisikal na hadlang na nagpipigil sa esperma mula sa pagpasok sa serviks. Karagdagan pa, ito ay nagpapanatili ng pamatay binhi laban sa serviks sa paraang nagpaparalisa sa anumang esperma na lumalapit sa kanal ng serviks. Hindi tulad ng takip para sa serviks na pinanatili sa lugar sa pamamagitan ng sipsip, karaniwan ang dayapragm ay pinanatili ng pader ng puki (2).
Epektibidad ng kontraseptibong dayapragm
Ang epektibidad ng dayapragm ay nakadepende sa kung paano mo ito ginagamit. Bagaman medyo epektibo ito, pinakamahusay ito kapag ginamit sa bawat pagtatalik at sa kombinasyon ng isang pamatay binhi.
Sa karaniwang paggamit (sa paraang ginagamit ito ng karamihan), ito ay 83% epektibo sa pag-iwas sa pagbubuntis. Nangangahulugan ito na 17 sa bawat 100 mga kababaihan na gumagamit ng pamamaraang ito ay mabubuntis sa loob ng unang taon ng paggamit.
Sa tamang paggamit (sa kombinasyon ng pamatay binhi) ito ay 84% epektibo sa pag-iwas sa pagbubuntis, nangangahulugan na 16 sa bawat 100 mga kababaihan na gumagamit ng pamamaraang ito ay mabubuntis sa loob ng unang taon ng paggamit (3).