Ano ang mga hindi-inaasahang epekto ng paggamit ng dayapragm?
– Alerdyik na reaksyon sa silicone o sa pamatay binhi (spermicide). Ang iritasyong ito ay nagdaragdag ng panganib na magkaroon ng impeksyon sa vagina. Kung ikaw ay alerdyik sa silicone o pamatay binhi, hindi mo dapat gamitin ang dayapragm.
– Bagaman hindi karaniwan, maari kang magkaroon ng bacterial vaginosis o candidiasis
– Ang ilang kababaihan ay madalas magkaroon ng impeksyon sa daanan ng ihi.
– Sa napakabihirang pagkakataon, maari kang magkaroon ng nakakalason na pagkabigla na sindrom
Ano ang mga kawalan ng paggamit ng kontraseptibong dayapragm?
– Kailangan mo ng reseta at pagsusukat mula sa isang tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan bago mo ito magamit.
– Mataas ang antas ng pagsisikap na kailangan. Ang ilang kababaihan ay nahihirapan sa pagkakalagay ng dayapragm, gayunpaman kailangan mo itong ilagay bawat oras na makikipagtalik ka.
– Kailangan mong maging kumportable sa iyong katawan. Ang pagkakalagay ng dayapragm ay kaunti lamang katulad ng pagkakalagay ng tampon. Kung kayang mo gawin iyon, maaring kayanin mo rin ang dayapragm. Kung hindi ka komportable sa paglalagay ng iyong mga daliri sa loob ng iyong vagina, ang dayapragm ay hindi pinakamahusay na opsyon para sa iyo.
– Nangangailangan ito ng kaunti disiplina sa sarili at pagpaplano. Kailangan mong tandaan na ilagay ang iyong dayapragm bago makipagtalik. At kailangan mong tandaan ito bawat oras na makikipagtalik ka.
– Maari itong ma-tulak sa maling lugar sa loob, lalu na at malalaking ari ng lalaki, malalakas na pagtulak, o tiyak na posisyon sa pakikipagtalik.
– Hindi ito nagbibigay proteksyon laban sa STIs.
– Mahirap tandaan na gamitin kung ikaw ay uminom ng alak (7).
Kailan maaaring hindi ka maaaring maging kwalipikado para sa kontraseptibong dayapragm?
Ang dayapragm ay maaaring hindi angkop para sa mga kababaihan na:
– naghahanap na gumamit ng kontraseptibo na mataas ang bisa sa pag-iwas sa pagbubuntis;
– nanganak na mas mababa sa anim na linggo na ang nakalilipas;
– may kasaysayan ng nakakalason na pagkabigla na sindrom; at
– mayroong anumang kondisyon sa anatomikal na maapektohan ang wastong pagkakalagay ng dayapragm sa ibabaw ng cervix o anumang uri ng vaginal prolapse (8).