Huwag mong hayaang manatili ang iyong dayapragm sa loob ng higit sa 24 na oras. Upang tanggalin ang dayapragm:
– Maghugas muli ng iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig. Hayaang matuyo ang iyong mga kamay nang hindi humahawak sa kahit anong bagay.
– Ilagay ang iyong hintuturo sa loob ng iyong ari at kunin ito sa tuktok ng gilid ng dayapragm.
– Hilahin pababa at palabas ang dayapragm.
– Pagkatapos mong alisin ito, hugasan gamit ang hindi masyadong matapang na sabon at mainit-init na tubig.
– Hayaang matuyo ito sa hangin. Itabi ang dayapragm sa malamig at tuyong lugar na malayo sa direktang sikat ng araw.
– Huwag gumamit ng mga pulbos o mga pangpadulas na batay sa langis (tulad ng Vaseline, losyon, o cold cream) sa iyong dayapragm dahil maaari itong masira (5).
Gaano katagal, tumatagal ang isang kontraseptibong dayapragm?
– Sa wastong paggamit at pag-aalaga, ang kontraseptibong dayapragm ay maaaring tumagal ng isa hanggang dalawang taon.
– Laging suriin ang iyong dayapragm sa mga butas bago at pagkatapos gamitin. Kung may butas ito, makipag-ugnay sa iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan para sa kapalit.