Ang pill

Suriin ang ilang impormasyon tungkol sa mga hormonal contraceptive tabletas, kung paano ito gumagana, mga benepisyo, at marami pa. Lahat tungkol sa The Pill
Ang pill

Buod

Ang “Pill” ay isang maliit na tabletang nakapakete para sa bawat buwan. Tinatawag ito ng ilan bilang “oral contraception.” Iinumin mo ito nang isang beses sa isang araw, sa parehong oras araw-araw. Maraming iba’t ibang uri ng pills na available, at madalas na mayroong mga bagong pagpipilian. Karamihan ay gumagana sa pamamagitan ng paglalabas ng hormones na pumipigil sa iyong ovaries na maglabas ng mga egg. Pinakakapal rin ng hormones ang mucus sa cervix mo, na nakakatulong upang pigilan ang sperm na makarating sa egg.

Mga uri ng pill:

Combination. Ang mga combination pill ay gumagamit ng dalawang uri ng hormones – estrogen at progestin – upang pigilan ang ovulation. Ang isang buwanang pakete ng combination pill ay naglalaman ng 3 linggo ng hormone-based pills at isang linggo ng hormone-free pills. Iinumin mo ang hormone-free pills habang hinihintay mo ang regla mo kada buwan.

Progestin-only. Walang estrogen ang mga ito, at madalas na inirerekomenda ang mga ito kung sensitibo ka sa combination pills. Inirerekomenda rin ang mga ito kung nakakaranas ka ng mga side effect mula sa combination pill. Naglalabas ang mga ito ng kaunting progestin sa bawat araw ng buwan, at hindi ka magkakaroon ng regla sa isang takdang linggo.

Mabilis na mga katotohanan

  • 50 taon nang umiiral ang pill. Madaling lunukin at maaaring magkaroon ng mga positibong side effect ang mga ito.
  • Pagiging epektibo: talagang epektibo ang pill kapag perpektong ininom, pero hindi ito naiinom nang perpekto ng karamihan ng babae. Kapag perpektong ginamit, 99 sa bawat 100 babae ay magagawang pigilan ang pagbubuntis.
  • Mga side effect: ang mga pinakakaraniwan ay pananakit ng suso, pagduduwal, spotting, at mas kaunting gana sa pakikipagtalik
  • Pagsisikap: mataas. Kailangan mong uminom ng pill sa parehong oras bawat araw
  • Hindi nakakaprotekta laban sa mga sexually transmitted infection (STI).

Mga detalye

Kailangan ng disiplina ang pill. Kailangan mong maalalang inumin ang iyong pill sa parehong oras, araw-araw. Kapag hindi mo ito ininom sa parehong oras, araw-araw, hindi ito gagana nang ganoon kaepektibo.

Gusto mo ng mga mahuhulaang regla. Kung gusto mong magkaregla buwan-buwan, nang walang spotting, maaaring ang pill na nga ang mainam mong piliin.

Maaari mong laktawan ang regla mo. Pinahihintulutan ng ibang pill na laktawan mo ang lahat ng regla mo, na siyang 100% ligtas.

Mag-ingat ang mga naninigarilyong lampas 35 taong gulang. Para sa mga babaeng mahigit 35 taon, ang paninigarilyo habang gumagamit ng pill ay nagpapataas ng panganib na makaranas ng mga partikular na side effect.

Gusto mong tumigil sa paggamit ng pamamaraan ng contraceptive at mabilis na mabuntis. Maaari kang mabuntis sa loob ng ilang araw matapos tigilan ang pill. Kapag tinigilan mo ang paggamit ng pill at hindi ka pa handang mabuntis, gumamit ng ibang pamamaraan.

Paano gamitin

Kung kaya mong lumunok ng aspirin, kaya mong inumin ang pill. Pero ang mahalaga: kailangan mong tandaang inumin ito araw-araw, sa parehong oras, anuman ang mangyari.

Ang ilang pill ay mabibili sa mga pakete ng 21 araw. Ang iba ay mabibili sa mga pakete ng 28 araw. Ang iba ay magbibigay sa iyo ng regular na regla buwan-buwan. Ang iba naman ay pahihintulutan kang magkaregla kada tatlong buwan. At ang iba ay pahihintulutan kang laktawan ang iyong regla nang isang buong taon. Maraming iba’t ibang pill na available, at maaari itong makalito. Matutulungan ka ng health provider o snay na community health worker na tukuyin kung aling pill ang tama para sa iyo.

Mga side effect

Magkakaiba ang bawat isa. Ang nararanasan mo ay maaaring iba sa nararanasan ng ibang tao.

Ang Positibo: maraming bagay tungkol sa pill na makabubuti sa iyong katawan, gayundin sa pakikipagtalik mo.

  • Madaling gamitin ang pill – inumin mo lang kasabay ng tubig
  • Hindi mo kailangang gambalain ang pakikipagtalik para lang gamitin ito
  • Maaari ka nitong pahintulutang magkaroon ng mas kaunting regla
  • Binibigyan ka ng kontrol kung kailan ka magkakaregla
  • Ang ibang pill ay nakakapagpawala ng taghiyawat
  • Maaaring bawasan ang pananakit ng puson tuwing may regla at mga sintomas ng premenstrual syndrome (PMS)
  • Ang ibang pill ay nagbibigay ng proteksyon laban sa ilang problemang pangkalusugan: tulad ng endometrial at ovarian cancer; iron deficiency anemia; mga bukol sa ovary o ovarian cysts; at pelvic inflammatory disease

Ang Negatibo: Inaalala ng lahat ang mga negatibong side effect, pero para sa karamihan ng babae, hindi problema ang mga ito. At kapag nakaranas ka nga ng mga side effect, malamang na mawawala rin ang mga iyon. Tandaan, nagpapasok ka ng mga hormone sa katawan mo, kaya maaaring tumagal ng ilang buwan bago ito makaangkop. Bigyan mo lang ito ng panahon.

Mga bagay na malamang na mawala pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan:

  • Spotting
  • Pananakit ng mga suso
  • Pagkahilo at pagduduwal

Mga bagay na maaaring tumagal:

  • Pagbabago sa gana mong makipagtalik

Kapag naramdaman mo pa rin na ang mga side effect ay higit pa sa kaya mong tanggapin pagkalipas ng 3 buwan, magpalit ng pamamaraan at manatiling protektado. Ang mga condom ay nagbibigay ng mahusay na proteksyon habang naghahanap ka ng pamamaraang aangkop sa mga pangangailangan mo. Tandaan mo, mayroong pamamaraan para sa lahat ng tao, sa lahat ng lugar!

*Para sa napakaliit na bilang ng kababaihan, may panganib na makaranas ng mga malulubhang side effect

Mga sanggunian

[1] Cooper, D. B., & Mahdy, H. (2019). Oral Contraceptive Pills. StatPearls Publishing. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK430882/

[2] Dr Marie Marie Stopes International. (2017). Contraception. Retrieved from http://www.mariestopes.org.au/wp-content/uploads/Contraception-brochure-web-200417.pdf

[3] FSRH The Faculty of Sexual & Reproductive Healthcare. (Amended 2019). UK MEDICAL ELIGIBILITY CRITERIA. RCOG, London. Retrieved from https://www.fsrh.org/standards-and-guidance/documents/ukmec-2016/

[4] FSRH Faculty of Sexual and Reproductive Healthcare. (Amended 2019). Faculty of Sexual & Reproductive Healthcare Clinical Guidance: Progestogen-only Pills. Retrieved from https://www.fsrh.org/standards-and-guidance/documents/cec-ceu-guidance-pop-mar-2015/

[5] FSRH The Faculty of Sexual & Reproductive Healthcare. (Amended 2019). FSRH Guideline: Combined Hormonal Contraception. Retrieved from https://www.fsrh.org/standards-and-guidance/documents/combined-hormonal-contraception/

[6] Family Planning NSW. (2015). The Combined Oral Contraceptive Pill. Retrieved from https://www.fpnsw.org.au/sites/default/files/assets/combined_oral_contraceptive_pill.pdf

[7] FPA the sexual health charity. (2019). Your guide to the combined pill. Retrieved from https://www.fpa.org.uk/sites/default/files/the-combined-pill-your-guide.pdf

[8] Reproductive Heath Access Project. (2019). The pill. Retrieved from https://www.reproductiveaccess.org/wp-content/uploads/2014/12/factsheet_pill.pdf

[9] SHINE SA. (2017). Fact Sheet: The Pill. Retrieved from https://www.shinesa.org.au/media/product/2015/04/The-Pill.pdf

[10] Shukla, A., & Jamwal, R. (2017). Adverse effect of combined oral contraceptive pills. Asian Journal of Pharmaceutical and Clinical Research, 10. Retrieved from https://www.researchgate.net/publication/312596820_Adverse_effect_of_combined_oral_contraceptive_pills

[11] Society of Obstetricians and Gynaecologists of Canada. (2017). Canadian Contraception Consensus Chapter 9: Combined Hormonal Contraception. Retrieved from https://www.jogc.com/article/S1701-2163(16)39786-9/pdf

[12] The Royal Women’s Hospital and Family Planning Victoria. (2018). THE CONTRACEPTIVE PILL. Retrieved from https://thewomens.r.worldssl.net/images/uploads/fact-sheets/Contraception-the-pill-2018.pdf

[13] World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1

[14] World Health Organization. (2016). Selected practice recommendations for contraceptive use. Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/252267/9789241565400-eng.pdf?sequence=1