Ang injectable

Ang Contraceptive Injections ay naglalaman ng mga hormone na ginagamit ng pana-panahon ng mga kababaihan upang maiwasan ang pagbubuntis. Suriin ang Injectable Contraceptive na mga benepisyo at mga epekto.
Ang injectable

Buod

Oo, tama ang nasa isip mo! Isang hiringgilya, isang karayom at kaunting likidong itinuturok sa katawan mo. Pinipigilan ng injectable ang iyong mga ovary na maglabas ng mga egg. Pinakakapal rin nito ang iyong cervical mucus upang makatulong na pigilan ang sperm na makarating sa egg sa simula pa lang. Maraming uri nito—maaaring hindi available ang ilan sa inyong bansa.

  • Buwanang injectable: Pinoprotektahan ka nito nang isang buwan! Naglalaman ng dalawang hormone—progestin at estrogen.
  • NET-EN o dalawang buwan na injectable: Naglalaman ito ng progestin. Pinoprotektahan ka nito nang dalawang buwan! Napakahusay na pagpipilian para sa mga babaeng hindi pwedeng tumanggap ng estrogen.
  • DMPA o tatlong buwang injectable: Naglalaman ito ng progestin. Pinoprotektahan ka nito nang tatlong buwan! Napakahusay na pagpipilian para sa mga babaeng hindi pwedeng tumanggap ng estrogen.

Mabilis na mga katotohanan

  • Pagiging epektibo: Napakaepektibo ng lahat ng uri ng injectable—Gayunpaman, kailangan mong maalalang magpaturok sa tamang oras. Kapag nagpaturok ang mga kababaihan sa tamang oras, 99 sa bawat 100 ang makakayang pigilan ang pagbubuntis.
  • Mga side effect: ang pinakakaraniwan ay hindi regular na pagdurugo at mas malakas na ganang kumain, na humahantong sa pagdagdag ng timbang. Malaking bilang ng kababaihang gumagamit ng pamamaraang ito ang nawawalan ng buwanang regla pagkatapos ng unang taon ng paggamit. Huwag mag-aalala; hindi ito nakakasama!
  • Pagsisikap: mababa – kailangan mo ng turok kada 1, 2, o 3 buwan (depende sa mga uri na available sa konteksto mo).
  • Hindi nakakaprotekta laban sa mga sexually transmitted infection (STI).

Mga detalye

Kung ayaw mong uminom ng pill araw-araw, maaaring mainam na pagpipilian ang Injectable. Kailangan mo lang maalalang gawin ang isang bagay nang isang beses kada 1 (buwanang injectable), 2 (NET-EN) o 3 buwan (DMPA). Kakailanganin mong magpatingin sa isang health provider o sanay na mga community health worker upang magpaturok.

Ganap na pagkapribado. Walang makakaalam kung gumamit ka ng Injectable. Walang packaging at wala kang kailangang gawin bago makipagtalik.

Oo, may mga sangkot na karayom. Kung takot ka sa karayom, hindi para sa iyo ang injectable. Tandaan na iisang turok lang ito, at tapos ka na para sa 1, 2, o 3 buwan.

Mga patakaran sa nahuling turok. Nakaligtaan mo ba ang petsa ng turok mo? Maaaring protektado ka pa rin. Maaaring gamitin ang mga DMPA injectable (3 buwang injectable) nang hanggang 4 na linggong dagdag. Maaaring gamitin ang NET-EN (2 buwang injectable) nang hanggang 2 linggong dagdag. Maaaring gamitin ang mga buwanang injectable nang hanggang 1 linggong dagdag. Pero, huwag gawing patakaran ang pagiging huli! Maaari nitong bawasan ang pagiging epektibo ng pamamaraang ito. Pag-isipang gumamit ng alarm sa phone mo o papel na kalendaryo upang subaybayan ang petsa ng turok.

Pagbubuntis. Posibleng mabuntis sa sandaling itigil mo ang paggamit ng pamamaraang ito, bagama’t para sa ibang kababaihan, maaaring mas matagal bago bumalik ang pagiging mabunga o fertility. Kung hindi ka pa handang mabuntis, magpaturok ulit o gumamit ng ibang pamamaraang ng contraceptive.

Pagiging available. Maaaring hindi available ang ilang uri ng turok sa inyong bansa, pero kung gusto mong gamitin ang pamamaraang ito, inirerekomenda naming tingnan ang seksyon ng “Mga pamamaraan sa bansa ko”.

Paano gamitin

Wala kang masyadong gagawin kapag pinili mo ang injectable. Tiyakin mo lang na makakapagpaturok ka sa tamang oras.

Narinig mo na ba ang tungkol sa Sayana Press? Isa itong pamamaraan ng pagtuturok sa sarili upang pigilan ang pagbubuntis nang 3 buwan. Upang makaalam ng higit pa tungkol sa pamamaraang ito, bisitahin ang injectsayanapress.org

Kapag una mong sinimulang gamitin ang injectable, talakayin ang iyong regla sa provider o sanay na community health worker. Makakatulong ito upang matukoy kung kailan ka mapoprotektahan matapos ang injectable.

Mga side effect

Magkakaiba ang bawat isa. Ang nararanasan mo ay maaaring iba sa nararanasan ng ibang tao.

Ang Positibo: maraming bagay tungkol sa paggamit ng injecatbles na makabubuti sa iyong katawan, gayundin sa pakikipagtalik mo.

  • Madaling gamitin
  • Hindi nakakaabala sa init ng sandali
  • Pribado – walang makakaalam maliban kung sabihan mo sila
  • Hindi mo na ito kailangang alalahaning inumin araw-araw
  • Maaaring maging mas maiksi at mas kaunti ang regla mo – o mawala na talaga ang regla mo
  • Napakaepektibo nito sa pagpigil ng pagbubuntis – kung magpapaturok ka sa tamang oras
  • Maaari mo itong gamitin habang nagpapasuso ka (maliban sa buwanang injectable)

Ang negatibo: Inaalala ng lahat ang mga negatibong side effect, pero para sa karamihan ng babae, hindi problema ang mga ito. Tandaan, nagpapasok ka ng mga hormone sa katawan mo, kaya maaaring tumagal ng ilang buwan bago ito makaangkop. Bigyan mo lang ito ng panahon.

Ang mga pinakakaraniwang reklamo:

  • Hindi regular na pagdurugo, lalo na sa unang 6-12 buwan (maaari itong mangahulugang mas matagal at mas malakas na regla, o spotting sa pagitan)
  • Pagbabago sa ganang kumain o pagdaragdag ng timbang (Karaniwan lang para sa ilang kababaihan na magdagdag ng 1-2 kg sa unang taon. Ang iba ay hindi nadaragdagan ang timbang.)

Mga hindi kasing-karaniwang na side effect:

  • Pagbabago sa gana mong makipagtalik
  • Depresyon
  • Paglalagas ng buhok o mas maraming buhok sa mukha o katawan mo
  • Pagkanerbyos o pagkahilo
  • Pananakit ng ulo
  • Pagduduwal
  • Pananakit ng mga suso

Walang paraan para patigilin ang mga side effect ng injectable. Kapag naramdaman mo pa rin na ang mga side effect ay higit pa sa kaya mong tanggapin, magpalit ng pamamaraan at manatiling protektado. Tandaan mo, mayroong pamamaraan para sa lahat ng tao, sa lahat ng lugar!

*Para sa napakaliit na bilang ng kababaihan, may panganib na makaranas ng mga malulubhang side effect. Makipag-usap sa taong nagbigay sa iyo ng injectable kung nag-aalala ka tungkol sa mga side effect na nararanasan mo.

Mga sanggunian

[1] Dr Marie Marie Stopes International. (2017). Contraception. Retrieved from http://www.mariestopes.org.au/wp-content/uploads/Contraception-brochure-web-200417.pdf

[2] FPA the sexual health charity. (2017). Your guide to contraceptive injections. Retrieved from https://www.fpa.org.uk/sites/default/files/contraceptive-injections-your-guide.pdf

[3] FSRH Faculty of Sexual and Reproductive Healthcare. (Amended 2019). Progestogen-only Injectable Contraception. RCOG. Retrieved from https://www.fsrh.org/standards-and-guidance/documents/cec-ceu-guidance-injectables-dec-2014/

[4] Family Planning Division Ministy of Health and Family Welfare Government of India. (2016). REFERENCE MANUAL FOR INJECTABLE CONTRACEPTIVE (DMPA). New Delhi . Retrieved from https://nhm.gov.in/images/pdf/programmes/family-planing/guidelines/Reference_Manual_Injectable_Contraceptives.pdf

[5] IPPF. (2013). IMAP Brief Statement Comparing Injectable Contraceptives: depot medroxyprogesterone acetate (DMPA) versus norethisterone enanthate (NET-EN). Retrieved from https://www.ippf.org/sites/default/files/tks_medbulletin_july13_en.pdf

[6] Khadilkar, S. S. (2017). Short-Term Use of Injectable Contraception: An Effective Strategy for Safe Motherhood. J Obstet Gynaecol India. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5895545/

[7] Kennedy, et al. (2019). Self-administration of injectable contraception: a systematic review and meta-analysis. BMJ Global Health . Retrieved from https://gh.bmj.com/content/bmjgh/4/2/e001350.full.pdf

[8] PATH. (2016). Depot-medroxyprogesterone acetate (DMPA-SC). Application for Inclusion in the WHO Essential Medicines List. Retrieved from https://www.who.int/selection_medicines/committees/expert/21/applications/s18_medroxyprogesterone_acetate_form.pdf

[9] Rani, S. (2017). A study on injectable DMPA (Depomedroxy progesterone acetale) isomg use as short-term. International Journal of Medical and Health Research. Retrieved from http://www.medicalsciencejournal.com/download/561/3-7-56-875.pdf

[10] World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1

[11] World Health Organization. (2016). Selected practice recommendations for contraceptive use. Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/252267/9789241565400-eng.pdf?sequence=1