Ang mga external condom – na kilala bilang mga condom ng lalaki – ay isa sa mga pinakakilalang paraan upang pigilan ang mga pagbubuntis at magprotekta laban sa mga sexually transmitted infection (STI). Isuot lang ito sa ari ng lalaki. Ang mga external condom (para sa lalaki) ay nagpapababa ng tsansa ng mga STI sa pamamagitan ng pagpapanatili sa sperm sa loob ng condom at labas ng ari ng babae, puwit, o bunganga. (Mayroon ding mga internal condom (para sa babae) na ipinapasok sa ari ng babae o sa puwit.) Ang mga external condom (para sa lalaki) ay makukuha sa daan-daang hugis at sukat. Maaari mo ring mabili ang mga ito nang may lube o pampadulas o wala. Mga uri ng external condom (para sa lalaki): Spermicide. Ang mga condom na ito ay pinadudulas ng kemikal na pumapatay sa sperm. Hindi inirerekomenda ang mga ito para sa oral o anal sex.
Walang spermicide. Kung ikaw o ang iyong kapareha ay sensitibo sa spermicide, maghanap ng mga condom na walang spermicide. Ang mga condom ay mayroong napakaunting side effect. Mas kaunti pa ang nilalaman ng uring ito.
Latex. Ang mga latex condom ay maaaring mabanat nang hanggang 800%. Ito ang pinakakaraniwang uri ng mga condom. Ngunit huwag gamitin ang mga ito kasama ng mga lubricant o pampadulas na gawa sa oil (oil-based). Ang mga oil-based lube ay maaaring maging sanhi ng pagkapunit o pagdulas ng condom, na nagtataas ng tsansa ng pagbubuntis o mga STI.
Hindi latex. Kung allergic ka sa latex o gusto mo ng oil-based lube, maghanap ka ng mga hindi latex na condom. Madalas na gawa ang mga ito sa polyutherane, iba pang sintetikong high tech na materyal, o natural na balat ng tupa.
Mga external condom (para sa lalaki)
Buod
Mabilis na mga katotohanan
- Ang mga external condom (para sa lalaki) ay nagpoprotekta laban sa mga STI, kabilang ang HIV, hindi nangangailangan ng reseta, mura lang o libre, at madaling makuha.
- Pagiging epektibo: Kapag ginamit nang maayos, 98 sa bawat 100 indibidwal ang kakayaning mapigilan ang pagbubuntis. Subalit karamihan ng mga tao ay hindi perpektong gumagamit ng mga condom—kung iyon ang kalagayan, 82 lamang sa bawat 100 indibidwal na gumagamit ng pamamaraang ito ang magagawang iwasan ang pagbubuntis.
- Mga side effect: kadalasan ay wala. Maliban kung mayroon kang allergy sa latex o spermicide
- Pagsisikap: mataas. Kailangan mong gumamit ng bagong condom sa TUWING makikipagtalik ka.
Mga detalye
Proteksyon laban sa STI. Karamihan ng mga external condom (para sa lalaki) ay nakakatulong sa pagprotekta sa iyo laban sa mga sexually transmitted infection (STI), kabilang ang HIV. Ang mga condom na gawa sa balat ng tupa ay ang isang tipong hindi mo dapat asahan para sa proteksyon laban sa STI. Hinaharangan ng mga condom na gawa sa balat ng tupa ang sperm, ngunit hindi ang mga impeksyon.
Kailangan ng pagsisikap at kaseryosohan ang mga external condom (para sa lalaki). Kailangan itong isuot sa ari ng lalaki nang maayos sa bawat pagkakataon, anuman ang mangyari, para maging epektibo ang mga ito. Sa ilang lugar, maaaring maging mahirap para sa mga babaeng hingin sa kanilang lalaking kapareha na gamitin ito sa bawat pagkakataon at sa tamang paraan.
Maaaring makatulong para mas tumagal ang pagtatalik. Ang mga external condom (para sa lalaki) ay maaaring magpahina ng sensitibidad. Sa ilang kalagayan, maaaring maging magandang bagay iyon. (Kung ikaw o ang iyong kapareha ay may problema sa premature ejaculation o masyadong maagang nilalabasan, maaaring makatulong ang mga condom na patagalin ang pagtatalik.)
Mura at madaling mahanap. Ang mga external condom (para sa lalaki) ay mura, at minsan ay makukuha mo pa ang mga ito nang libre. Makikita mo ang mga ito halos kahit saan. Maraming iba’t ibang uring mapagpipilian.
Hindi kailangan ng reseta. Kung hindi ka na makakapunta sa health care provider o ayaw mong magpunta, maaari kang gumamit ng external condom (para sa lalaki) anumang oras.
Hindi angkop sa mga allergic sa latex. Kung allergic ka sa latex, kakailanganin mong gumamit ng hindi latex na external condom (para sa lalaki). Kung wala kang mahanap na non-latex condom, sumubok ng ibang pamamaraan.
Paano gamitin
Ang mga external condom (para sa lalaki) ay napakadaling gamitin. Mayroon kaming mga tip sa ibaba upang ipaalala sa iyo kung paano gamitin ang mga ito nang tama. At tandaan – kung gagamit ka lang ng mga condom, kailangan mong alalahaning gamitin ang mga ito SA BAWAT PAGKAKATAONG makikipagtalik ka.
Paano magsuot ng external condom (para sa lalaki):
-
- Una, huwag kang mahihiya. Maaaring maging bahagi ng pagpapatindi ng sekswal na pagpupukaw at pagnanasa ang pagsusuot ng external condom (para sa lalaki) bago ipasok ang ari. Kung komportable kang makipag-usap sa iyong kapareha tungkol sa sekswalidad, pag-usapan ninyo kung paano ninyong magagamit ang condom upang dagdagan ang kasiyahan sa inyong sekswal na karanasan.
- Itsek ang petsa ng pag-expire bago gumamit ng condom. Maaaring mapanis ang mga condom. Mas madaling mapunit ang mga expired na condom.
- Tiyaking nakasuot ang condom bago mapadikit ang ari ng lalaki sa vulva/labas ng ari ng babae. Ang pre-cum – ang likidong lumalabas sa ari ng lalaki bago ito labasan – ay maaaring maglaman ng sperm mula sa huling pagkakataong nilabasan ang lalaki.
- Isang condom sa kada pagkakataong titigasan ang lalaki. Tiyaking mayroon kayong sapat na condom na magagamit. Huwag na huwag gamitin ulit ang isang condom.
- Ingatang hindi mapunit ang condom habang binabalatan ito. Kapag napunit, naging malutong, o matigas ito, itapon na. Gumamit ng iba.
- Maaari kang maglagay ng isa o dalawang patak ng non-oil based lube sa loob ng condom. Makakatulong ito para dumulas ang condom habang isinusuot ito, at mas gagawin nitong kasiya-siya ang mga bagay-bagay para sa iyong kapareha.
- Kung hindi pa tuli ang lalaki, mahalagang hilahin ang balat sa ibabaw ng ari bago isuot ang condom.
- Magtira ng kalahating pulgada ng espasyo sa dulo upang paglagyan ng similya, tapos pindutin upang maalis ang hangin sa dulo.
- I-unroll o ilatag ang condom sa ibabaw ng ari ng lalaki hanggang sa pinakamalayong kayang abutin nito.
- Kinisin ang anumang bula ng hangin. Maaaring maging sanhi ng pagkabutas ng mga condom ang mga bula ng hangin na naiiwan sa loob.
- Gumamit ng mas maraming lube o pampadulas upang makatulong na pigilan ang pagkukuskusan, kung gusto mom.
Paano huhubarin ang external condom (para sa lalaki):
- Tiyaking mailalabas ang ari ng lalaki bago pa ito lumambot.
- Mahalagang hawakan ang ilalim ng condom habang hinihila ito ng lalaki. Mapipigilan nitong matapon ang similya mula sa condom.
- Itapon ang condom. Ilayo ito sa mga bata o sa mga alagang hayop. Huwag itong i-flush sa inidoro. Makakasama iyon sa iyong mga tubo.
- Dapat hugasan ng sabon at tubig ang ari ng lalaki bago ito ilapit sa vulva ng babae ulit.
Mga side effect
Magkakaiba ang bawat isa. Ang nararanasan mo ay maaaring iba sa nararanasan ng ibang tao.
Ang Positibo: maraming bagay tungkol sa mga external condom (para sa lalaki) na makabubuti sa iyong katawan, gayundin sa pakikipagtalik mo.
- Nagpoprotekta laban sa mga STI, kabilang ang HIV
- Mura at madaling makuha
- Hindi kailangan ng reseta
- Maaaring makatulong sa premature ejaculation o maagang labasan
Ang negatibo:
- Maliban kung allergic ka sa latex, hindi nagdudulot ng mga pisikal na side effect ang mga external condom (para sa lalaki)
- 1 o 2 lamang sa bawat 100 tao ang allergic. Kung ikaw ay isa sa mga ito, maaari kang gumamit ng non-latex condom anumang oras.
- Ang ibang tao ay maaaring sensitibo sa ilang brand ng lubricant o pampadulas. Kapag nangyari iyon, sumubok ng ibang brand ng condom
- Ang ilang lalaki ay nagrereklamo na binabawasan ng mga condom ang sensitibidad
- Maaaring maging mahirap alalahaning gamitin ang mga condom kapag lasing ka. Subalit mas malamang na maalala mo ang mga ito kapag pinanatili mong available ang mga ito.
Mga sanggunian
[1] CATIE Canadian AIDS Treatment Information Exchange. (2013). Condoms for the prevention of HIV and STI transmission. Toronto . Retrieved from https://www.catie.ca/ga-pdf.php?file=sites/default/files/condoms-en.pdf
[2] Dr Marie Marie Stopes International. (2017). Contraception. Retrieved from http://www.mariestopes.org.au/wp-content/uploads/Contraception-brochure-web-200417.pdf
[3] FPA the sexual health charity. (2019). Your guide to condoms. Retrieved from http://www.fpa.org.uk/sites/default/files/condoms-external-and-internal-your-guide.pdf
[4] Festin MR. (2013). Non-latex versus latex male condoms for contraception.The WHO Reproductive Health Library; Geneva: World Health Organization. Retrieved from https://extranet.who.int/rhl/topics/fertility-regulation/contraception/non-latex-versus-latex-male-condoms-contraception
[5] IPPF and UNFPA. (2010). MYTHS, MISPERCEPTIONS AND FEARS: ADDRESSING CONDOM USE BARRIERS. New York . Retrieved from http://bibliobase.sermais.pt:8008/BiblioNET/Upload/PDF4/002988.pdf
[6] Lopez, et al. (2014). Behavioral interventions for improving condom use for dual protection. Cochrane Database of Systematic Reviews 2013, Issue 10. Art. No.: CD010662. DOI: 10.1002/14651858. CD010662.pub2 Retrieved from https://extranet.who.int/rhl/topics/fertility-regulation/contraception/behavioural-interventions-improving-condom-use-dual-protection
[7] Stover, et al. (2017) The case for investing in the male condom. PLoS ONE 12(5): e0177108. Retrieved fromhttps://journals.plos.org/plosone/article/file?id=10.1371/journal.pone.0177108&type=printable
[8] Society of Obstetricians and Gynaecologists of Canada. (2015). Canadian Contraception Consensus Chapter 5: Barrier Methods. JOGC Journal of Obstetrics and Gynaecology Canada , 37. Retrieved from https://www.jogc.com/article/S1701-2163(16)39376-8/pdf
[9] Shoupe, D. (2016). Barrier Contraceptives: Male Condoms, Vaginal Spermicides, and Cervical Barrier Methods. En D. Shoupe, The Handbook of Contraception: A Guide for Practical Management. Retrieved from http://eknygos.lsmuni.lt/springer/677/147-177.pdf
[10] World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1
[11] World Health Organization. (2016). Selected practice recommendations for contraceptive use. Geneva. Retrieved fromhttps://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/252267/9789241565400-eng.pdf?sequence=1