Kung ang kondom na panglabas lamang ang iyong regular na kontraseptibo, dapat mong tandaan na gamitin ito sa bawat pagkakataon na makikipagtalik ka.
Ang unang bagay na kailangan mong gawin ay bumili ng tamang laki ng kondom ayon sa iyong gusto, at pagkatapos ay tignan ang petsa ng pagkawalang bisa. Ang mga kondom na wala ng bisa ay madaling maputol, at ang paggamit ng walang bisang kondom ay naglalagay sa iyo sa panganib ng impeksyon o pagbubuntis.
How to put on a condom
Kung ikaw ay gumagamit ng mga pang-labas na kondom bilang pangkaraniwang paraan ng kontraseptibo, kailangan mong tandaan na gamitin ito sa bawat pagtatalik.
Ang unang bagay na dapat mong gawin ay bumili ng tamang laki ng kondom na ito ayon sa iyong pinipili at pagkatapos ay suriin ang petsa ng pagkawalang bisa nito. Ang mga kondom na nawalang bisa na ay madaling masira, at ang paggamit ng walang bisang kondom ay naglalagay sa iyo sa panganib ng impeksiyon o pagbubuntis.
Ilagay ang bukas na bahagi ng kondom sa ibabaw ng titi at ipa-gulong ito pababa ng titi hanggang sa umabot sa ibaba. Kung nahihirapan kang i-pagulong ito, maglagay ng isang patak o dalawa ng langis na lubrikante sa loob ng kondom. Ito ay makakatulong na madali itong mapa dulas at magbibigay ng mas masarap na pakiramdam sa iyong kasama. Maari rin na tulungan ka ng iyong kasama sa paglalagay ng kondom. Kung ang titi ay hindi tuli, mahalaga na ihila pabalik ang balat nito bago ipa gulong ang kondom.
Alisin ang anumang hangin na pumasok sa loob ng kondom. Ang hangin ay maaaring magdulot ng pagkasira ng kondom.
Kung gusto mo, maaari kang maglagay ng karagdagang tubig na lubrikante sa labas ng kondom upang maiwasan ang pagkasugat.
Ngayon handa ka na sa isang protektadong pagtatalik
Kung gusto mo, maaari kang maglagay ng karagdagang tubig na lubrikante sa labas ng kondom upang maiwasan ang pagkasugat.
Ngayon handa ka na sa isang protektadong pagtatalik
Paano alisin ang kondom
Pagkatapos kang labasan, hawakan ang dulo ng kondom ng maigi at siguraduhin mong naka-ayos pa ito sa matigas na titi. Kailangang nasa labas na ito bago pa lumambot ang iyong titi.
Hawakan ang dulo ng kondom habang tinatanggal ito. Eto ay para hindi tumapon ang tamod habang nilalabas ito.
Para hindi lumapaw o tumilapon ang tamod, maaaring itali ang kondom upang sa gayon ay hindi matapon.
Suriin ang kondom para sa anumang butas o pinsala. Kung makikita mo ang anumang pinsala o kung nahulog ang kondom habang nagtatalik, ang isang babae na kasama mo ay dapat mag-isip na uminom ng emergency contraception (sa loob ng 72 oras). Kung ikaw ay nag-aalala kung ligtas ang pagtatalik, mag-appoint para sa pagsusuri ng sexually transmitted infection at anumang iba pang kinakailangang safety procedure, tulad ng pag-inom ng Post-Exposure Prophylaxis (PEP). Dapat ay mag-ingat ka rin kung ang kondom ay nakawala habang nagtatalik.
Balutin ang kondom sa tissue paper at itapon ito sa basurahan o sa isang pit latrine (kung available). Huwag itong ibuhos sa inidoro dahil maaring ito ay magdulot ng bara. Palaging tandaan na ilayo ang kondom sa mga bata at alagang hayop.
Hugasan ang titi ng lalake ng may sabon at tubig bago makipag talik ulit.
Mga karagdagang payo sa pag-gamit ng kondom
Madaling gamitin ang mga kondom subalit meron pang iba’t-ibang mga paraan para ito ay magamit pa na mas maayos.
Gumamit ng kondom kapag ikaw ay makikipagtalik
Tignan at suriin ng mabuti ang balot at ang expiration date. Ang expired o ang isang damaged na kondom ay madaling masira
-Palaging siguruhing suriin ang kondom para sa mga butas o pinsala bago gamitin ito.
Tiyakin na nakasuot na ang kondom bago ang titi ay magkaroon ng kontak sa vulva ng iyong kasama. Ang pre-cum – ang likidong umaagos mula sa titi bago mag-ejaculate ang isang lalaki – ay maaaring maglaman ng sperm mula sa nakaraang ejaculation.
Huwag gumamit ng higit sa isang kondom nang sabay-sabay. Ang paggamit ng higit sa isang kondom ay hindi nagbibigay ng karagdagang proteksiyon. Sa halip, ito ay nagpapadali para mahulog ang kondom at ito ay nagdaragdag sa panganib ng pagbubuntis at Mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtaliko STI.
Iwasan ang paggamit ng mga produktong may oil-base na kasama ang kondom, tulad ng lotion, baby oil, petroleum jelly, o cooking oil. Ito ay magdudulot ng pagkasira ng kondom.
Huwag kailanman gamitin ulit ang kondom. Gamitin lamang ang isa na kondom bawat pagtayo ng titi at magkaruon ng mga extra kondom sa pagkakataon.
Palaging itago ang iyong mga kondom sa isang malamig at tuyong lugar.
IWASAN ang pag-tago ng kondom sa iyong wallet. Ang galaw at init na dulot ng pagkakalikot ay maaring magdulot ng pinsala dito (4)