Ano ang Hindi Hormonang IUD (dispositibong intrauterino)
Ang Hindi Hormonang IUD dispositibong intrauterino (aparato sa loob ng matris), na tinatawag din na copper IUD, o aparatong gawa sa tanso, ay isang pangmatagalang paraan ng pagkontrol ng pagbubuntis na binubuo ng isang maliit na piraso ng plastik at tanso na may hugis, titik T. Ang tansong IUD ay inilalagay sa matris sa lagusan ng ari ng babae at serviks. May mga hibla ito na lumalabas sa serviks upang madaling alisin sa may lagusan ng pwerta.
Paanong gumagana ang Hindi Hormonang IUD (dispositibong intrauterino)
Ang mga hindi-hormonal na paraan ay gumagana sa pamamagitan ng bahagyang pagbabago ng kemikal na kapaligiran ng matris, na nagdudulot ng pinsala sa mga isperm at itlog bago sila magkasama. Batay sa uri, ang mga tansong IUD “dispositibong intrauterino.” ay maaaring magbigay ng proteksyon mula sa pagbubuntis ng 3-12 taon. Ang mga pag-aaral ay nagpapakita na habang ang isang tansong IUD “dispositibong intrauterino” (T380A) ay inirerekomenda para sa hanggang 10 taon na epektibong paggamit, maaari pa rin itong maging epektibo hanggang sa 12 taon. Ang mga nais magkaanak ay maaaring tanggalin lang ito, at pwd nang makipagtalik at mabubuntis.
Sa kondisyong hindi buntis ang tao, maaaring isalang ang Non-hormonal IUD anumang oras, kahit agad pagkatapos ng isang aborsyon o sa loob ng 48 oras matapos manganak. Sa kaso ng sesaryan seksyon, maaaring isalang ang IUD bago isara ang matris [2].