Karamihan ng mga kababaihan ay maaaring gumamit ng Vaginal Ring. Kung ikaw ay malusog, hindi naninigarilyo, hindi sobra sa timbang, at walang medikal na dahilan para hindi gumamit ng kontraseptibong ring, maaari mo itong gamitin hanggang sa maabot mo ang menopause. Ang mga kwalipikasyon para sa paggamit ng ring ay katulad ng mga kwalipikasyon para sa paggamit ng kombinasyon ng oral kontraseptibong tableta. Ang ring ay maaaring hindi ang tamang paraan para sa iyo kung [8]:
- ikaw ay naninigarilyo at mayroon nang 35 taong gulang (ang mga kababaihang may 35 taong gulang pataas na naninigarilyo habang gumagamit ng ring ay may mas mataas na panganib ng ilang mga side effect – inirerekomenda na talakayin ito sa iyong Tangapangalagang pangkalusugan
- ikaw ay mayroong 50 taong gulang pataas – talakayin ang ibang mga pagpipilian sa iyong doktor;
- ikaw ay may malalalang migraines na may aura (isang maliliwanag na bahagi ng nawawalang paningin sa mata bago magkaroon ng napakasakit na sakit ng ulo);
- ikaw ay nanganak hanggang anim na linggo na ang nakalilipas at nagpapasuso (maaari mong gamitin ang kontraseptibong ring pagkatapos ng anim na buwan o kapag hindi na pangunahing pagkain ng iyong sanggol ang gatas sa dibdib);
- ikaw ay may diabetes nang higit sa 20 taon na nakakaapekto sa iyong mga arteries, paningin, bato, o nervous system
- Mayroon o nagkaroon ka ng Kanser sa Suso
- ikaw ay nagkaroon ng stroke, pag-buo buo ng dugo sa iyong binti o baga, atake sa puso, o iba pang malubhang problema sa puso;
- ikaw ay mayroong liver cirrhosis, impeksyon sa atay, o tumor sa atay;
- ikaw ay may sakit sa apdo, o gumagamit ng gamot para sa paggamot ng apdo; at
- ikaw ay umiinom ng gamot para sa mga seizure.
Kung mayroon ka ng anumang nabanggit na kondisyon, mangyaring kumunsulta sa isang kwalipikadong Tangapangalagang pangkalusugan. Ipagpapayo sa iyo ang pinakamahusay na paraan ng kontrasepsyon para sa iyo.