Ang ring ay isang maliit at nababaluktot na insert na pinapanatili sa loob ng iyong ari. Hahayaan mo ito sa loob nang tig-tatlong linggo at aalisin ito sa ikaapat na linggo. Tulad ng injectable, pinipigilan ng ring ang pagbubuntis sa dalawang paraan. Naglalabas ito ng mga hormone na pumipigil sa mga ovary na maglabas ng eggs, at pinakakapal nito ang iyong cervical mucus para pigilan ang sperm na makarating sa egg sa simula pa lang.
Ang ring
Buod
Mabilis na mga katotohanan
- Madaling ipasok
- Pinapanatili kang protektado laban sa pagbubuntis nang isang buwan
- Pagiging epektibo: napakaepektibo ng ring sa paraang ginagamit ito ng karamihan ng mga tao. Sa perpektong paggamit, 99 sa bawat 100 kababaihan ang kinakayang pigilan ang pagbubuntis.
- Mga side effect: ang mga pinakakaraniwang epekto ay hindi regular na pagdurugo, pananakit ng mga suso, o pagduduwal. Mayroon ding mga pansamantalang epekto.
- Pagsisikap: katamtaman. Ipasok ang ring. Maghintay ng 3 linggo. Alisin ang ring. Maghintay ng 1 linggo. Ulitin.
- Hindi nakakaprotekta laban sa mga sexually transmitted infection (STI).
Mga detalye
Nangangailangan ng relatibong kakaunting pagsisikap kada buwan. Kung natatakot ka sa mga karayom, o ikaw ang tipo ng taong nahihirapang makaalalang uminom ng pill araw-araw, mainam na pagpipilian ang ring. Kailangan mo lang maalalang gumawa ng isang bagay nang dalawang beses kada buwan.
Dapat komportable ka sa iyong katawan. Kung hindi ka komportableng ipasok ang iyong mga daliri sa iyong sarili, malamang na hindi ang ring ang pinakamainam na pagpipilian para sa iyo. Para itong paglalagay ng tampon. Kung kaya mong gawin iyon, maaari mong matutunang gamitin ang ring.
Maaari mong malaktawan ang regla mo. Pahihintulutan ka ng ring na laktawan ang iyong regla nang buo, na 100% ligtas.
Pagtatago at pagkapribado. Kung mayroon kang mga ekstrang ring at magkakaroon ka pa para sa mahigit 4 na buwan, kailangang mapanatiling malamig ang mga ito. Kung mahalagang maitago ang iyong pamamaraan, maaaring maging problema ito. Gayundin, sinasabi ng ilang kapareha na nararamdaman nila ang ring habang nagtatalik. Kung problema iyon, maaari mong alisin ang ring kapag makikipagtalik. Kapag inalis mo ito para makipagtalik, ibalik ito sa loob ng 3 oras. At alisin lamang ang ring kapag naipasok na ito nang 24 na oras. Ang pag-aalis dito nang mas madalas o pagpapanatili ditong nasa labas nang mahigit 3 oras ay magiging dahilan para mabawasan ang pagiging epektibo ng ring.
Naghahatid ang ring ng mas mababang dosis ng hormones. Ang ring ay may mas mababang dosis ng hormones kumpara sa ibang pamamaraan ng contraceptive. Maaaring mayroon itong mas kaunting negatibong side effects.
Mag-ingat ang mga naninigarilyong mahigit 35 taong gulang. Para sa mga babaeng mahigit 35 taong gulang, ang paninigarilyo habang ginagamit ang ring ay nagpapalaki ng panganib na makaranas ng mga partikular na side effect.
Kailan ako pwedeng mabuntis ulit? Maaari kang mabuntis ulit sa sandaling alisin mo ang ring. Kung gusto mong mabuntis, mahusay iyon. Kung nais mong iwasan ang pabubuntis, maglagay ng isa pang ring o protektahan ang iyong sarili gamit ang iba pang pamamaraan.
Paano gamitin
Madaling gamitin ang ring. Ang kailangan mo lang maalala ay kung kailang ipapasok at aalisin ang ring.
Paano ito ipapasok. Una, hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig. Hayaang matuyo ang mga ito sa hangin. Upang ipasok ang ring, pisilin ito sa pagitan ng iyong hinlalaki at hintuturo, at ipasok ito na tulad ng isang tampon. Maipupuwesto itong nakasiksik sa may gilid ng iyong vaginal wall. Hindi na mahalaga ang eksaktong posisyon, hangga’t komportable ka. Ni hindi mo ito kailangang alisin kapag nakikipagtalik ka. (Ayos lang kung gusto mo itong alisin habang nakikipagtalik. Tiyakin lamang na ibalik ito sa loob ng 3 oras. At alisin lamang ito kapag nailagay na ito sa loob nang 24 na oras)
Paano ito aalisin. Kapag naipasok mo na ang ring, iwanan ito sa loob nang tatlong linggo. Alisin ito sa simula ng ikaapat na linggo. Hayaan itong nasa labas nang isang linggo. Tapos magpasok ng bagong ring at simulan ulit ang cycle. (Upang alisin ang ring, ikawit ang iyong daliri sa ibabang dulo at hilahin.) Kapag nasa labas na ang ring, malamang na magkakaregla ka na. Huwag mag-aalala kung dinurugo ka pa rin kapag oras nang ipasok ang bagong ring. Normal lang iyon at hindi magtatagal ay titigil rin ang iyong regla.
Pagiging available. Gusto mo bang gamitin ang pamamaraan gito? Itsek ang Mga Pamamaraan sa Inyong Bansa
Mga tip at trick. Upang ipasok, pipiliin mo ang pinakakomportableng posisyon para sa iyo—halimbawa, pagtayo nang nakataas ang isang paa, pagtingkayad, o paghiga. Makabubuting subukan ang pamamaraang “pagpihit”, kung saan pipihitin mo ang ring upang maipasok ito.
Mga side effect
Magkakaiba ang bawat isa. Ang nararanasan mo ay maaaring iba sa nararanasan ng ibang tao.
Ang Positibo: maraming bagay tungkol sa ring na makabubuti sa iyong katawan, gayundin sa pakikipagtalik mo.
- Madaling gamitin – para itong paglalagay ng tampon
- Hindi mo kailangang abalahin ang pakikipagtalik para gamitin ito
- Maaari kang bigyan nito ng mas regular at magaang regla
- Maaaring mabawasan ang iyong taghiyawat
- Maaaring mabawasan nito ang pananakit ng iyong puson tuwing rereglahin ka at mga sintomas ng premenstrual syndrome (PMS)
- Nagbibigay ng proteksyon laban sa ilang problemang pangkalusugan: endomentrial at ovarian cancer; iron deficiency anemia; mga ovarian cyst; at pelvic inflammatory disease
Ang negatibo: Inaalala ng lahat ang mga negatibong side effect, pero para sa karamihan ng babae, hindi problema ang mga ito. Tandaan, nagpapasok ka ng mga hormone sa katawan mo, kaya maaaring tumagal ng ilang buwan bago ito makaangkop. Bigyan mo lang ito ng panahon.
Mga bagay na malamang ay mawala rin pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan:
- Pagdurugo sa pagitan ng mga regla
- Pananakit ng mga suso
- Pagkahilo at pagsusuka
Mga bagay na maaaring mas tumagal:
- Mas maraming discharge mula sa ari, iritasyon o impeksyon ng ari
- Pagbabago sa iyong ganang makipagtalik
Kapag naramdaman mo na ang mga side effect ay higit pa sa kaya mong tanggapin makalipas ang tatlong buwan, magpalit ng pamamaraan at manatiling protektado. Tandaan mo, mayroong pamamaraan para sa lahat ng tao, sa lahat ng lugar!
*Para sa napakaliit na bilang ng kababaihan, mayroong panganib na makaranas ng mga malulubhang side effect.
Mga sanggunian
[1] Cook LA, et al. (2014). Vasectomy occlusion techniques for male sterilization (Review). John Wiley & Sons. Retrieved from https://www.cochranelibrary.com/cdsr/doi/10.1002/14651858.CD003991.pub4/full/es
[2] Dr Marie Marie Stopes International. (2017). Contraception. Retrieved from http://www.mariestopes.org.au/wp-content/uploads/Contraception-brochure-web-200417.pdf
[3] FPA the sexual health charity. (2015). Your guide to male and female sterilisation. Retrieved from https://www.fpa.org.uk/sites/default/files/male-and-female-sterilisation-your-guide.pdf
[4] FSRH Faculty of Sexual & Reproductive Healthcare. (2014). Male and Female Sterilisation. RCOG, London. Retrieved from https://www.fsrh.org/standards-and-guidance/documents/cec-ceu-guidance-sterilisation-cpd-sep-2014/
[5] Patil, E., & Jensen, J. T. (2015). Update on Permanent Contraception Options for Women. Current Opinion in Obstetrics and Gynecology. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4678034/
[6] Reproductive Health Access Project. (2018). Permanent Birth Control (Sterilization). Retrieved from https://www.reproductiveaccess.org/wp-content/uploads/2014/12/sterilization.pdf
[7] RCOG Royal College of Obstetricians and Gynaecologists. (2016). Female Sterilisation. Royal College of Obstetricians and Gynaecologists, London. Retrieved from https://www.rcog.org.uk/globalassets/documents/guidelines/consent-advice/consent-advice-3-2016.pdf
[8] World Health Organization. (2016). Selected practice recommendations for contraceptive use. Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/252267/9789241565400-eng.pdf?sequence=1
[9] World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1