Paano kung gusto kong mabuntis sa lalong madaling panahon?

 Hindi mo na mababawi ang injectable, kaya kung nakuha mo na ang injectable, kailangan mong maghintay ng 1, 2, o tatlong buwan (depende sa uri ng injectable) bago magsimulang sumubok. Maging mapasensya – minsan, maaaring tumagal nang hanggang 10 buwan matapos ang huling turok para ganap na manumbalik ang pagiging mabunga o fertile.

Hindi pa rin gumagana? Kung gusto mong mabuntis nang hindi naghihintay nang matagal, isaalang-alang ang paggamit ng buwanang injectable, NET-EN (2 buwang injectable) o iba pang mga pamamaraang hormonal.

Ang pill, patch, ring, o IUD ay nagpapahintulot ng mas mabilis na pagbabalik sa pagiging mabunga o fertile kaysa sa Injectable. Maaari mo ring isaalang-alang ang hindi hormal na pamamaraan, tulad ng mga external condom (para sa lalaki) o internal condom (para sa babae).

Sumubok ng ibang pamamaraan: external condom (para sa lalaki), IUD, Patch, Pill, Ring.


Mga sanggunian:

  1. FSRH Faculty of Sexual and Reproductive Healthcare. (Amended 2019). Progestogen-only Injectable Contraception. RCOG. Retrieved from https://www.fsrh.org/standards-and-guidance/documents/cec-ceu-guidance-injectables-dec-2014/

Hindi nahanap ang kasagutan?

Tanungin si Myka, ang aming chatbot.