Ano ang Kontraseptibong Patsé?
Ang Kontraseptibong Patsé, na tinatawag din bilang Pampigil sa Pagbubuntis na Patsé, ay isang maliit, manipis, parisukat at plastik na bagay na isinasaayos sa katawan upang pigilin ang pagbubuntis. Kilala rin ito bilang “Ortho Evra o Evra”, ang kontraseptibong Patsé ay kamukhang isang parisukat na Band-Aid na may lapad na kaunti sa ilalim ng 5 sentimetro.
Paano gumagana ang Kontraseptibong Patsé?
Ikinakabit ang Patsé sa iyong balat, at naglalabas ito ng sintetikong progestin at estrogen hormona sa dugo sa pamamagitan ng balat. Ang mga hormona na ito ay katulad ng progesterone at estrogen na hormona na natural na matatagpuan sa katawan ng isang babae. Ang dalawang hormona na ito ay pinipigilan ang paglalabas ng mga itlog ng iyong obaryo (obyulasyon). Sila rin ay nagpapalapot ng serbikal na myukus upang hadlangan ang esperma na makarating sa itlog.
Gaano kahusay ang Kontraseptibong Patsé?
Para sa karaniwang babae, ang paggamit ng patsé ay may 93% na pagiging epektibo, (7 sa 100 kababaihan na gumagamit ng patsé sa loob ng isang taon ang maaaring mabuntis). Kapag walang pagkakamali, maaaring umabot sa 99% ang pagka-epektibo ng [1].” sa pagpigil ng pagbubuntis. [1].
Ano ang hitsura ng Kontraseptibong Patsé?
Paano ginagamit ang Kontraseptibong Patsé?
Bago gamitin ang kontraseptibong ito, mahalagang bisitahin ang iyong Tangapangalagang pangkalusugan para sa medikal na pagsusuri na magtatakda kung ito ay angkop sa iyo. Sa ilang mga bansa, kailangan mo ng reseta bago makabili ng kontraseptibong ito.
Madaling gamitin ang patsé at gumagana ito tulad ng pinagsamang Oral na Pampigil sa Pagbubuntis. Ang bawat patsé ay tatagal ng isang linggo. Dapat mong ilagay ang bagong patsé sa iyong katawan, isang beses bawat linggo, sa loob ng tatlong sunod-sunod na linggo. Sa ika-apat na linggo, hindi mo ginagamit ang patsé.
Pag-isipan mo ng mabuti kung saan mo gustong ilagay ang patch – ito ay mananatili roon ng buong linggo. Iwasan ang paglalagay ng patsé sa mga lugar na may maluwang na balat o maraming kulubot. Palaging tiyakin na malinis at tuyo ang lugar kung saan mo ilalagay ang kontraseptibong patsé at hindi namamaga, naiirita, o masyadong maraming balahibo. Hindi mo dapat ilagay ito sa isang lugar kung saan ito ay maaaring matanggal dahil sa masikip na damit.
Tanggalin lamang ang kalahati ng malinaw na plastik sa simula, upang magkaroon ka ng bahaging hindi malagkit na pwedeng hawakan. Huwag hawakan ang malagkit na bahagi ng patsé gamit ang iyong mga daliri.
Pindutin ang patsé pababa sa iyong piniling bahagi ng katawan. Hayaan itong nakadikit nang sampung segundo.
Ang pinakamahalagang bagay ay ang tandaan na gamitin ang isang bagong patsé kada linggo. Ito ay tutulong upang mapanatili ang epektibong pagpigil nito sa pagbubuntis.
Saan mo ilalagay ang Birth Control Patsé?
Maaari mong ilagay ang patsé sa iyong puwit, balikat, hita, tiyan, taas labas na braso, o itaas na bahagi ng katawan. Huwag ilagay ito sa iyong mga suso, ari, talampakan ng paa, o palad ng iyong mga kamay. Ang patsé ay dapat nasa iyong katawan sa lahat ng oras, maging sa araw o gabi [2].
Maaari bang pumigil ng pagreregla ang Kontraseptibong Patsé?
Maaaring magkaroon ka ng regla sa loob ng linggo na walang patsé. Ang iba namna ay hindi nagkakaroon ng regla sa lahat. Kapag tapos na ang ika-apat na linggo, magsimula ng panibagong siklo ng mga patsé sa pamamagitan ng paglalagay ng bagong patsé sa iyong balat. Maaaring nagpapatuloy pa rin ang pagdurugo kapag oras na upang isuot muli ang patsé. Ito ay normal. Maari mo pa ring Isuot ang bagong patsé.
Tingnan ang mga tips at tricks sa ibaba upang mas madaling gamitin ang Kontraseptibong Patsé.
Tip 1: Kung magsisimula ka ng patsé sa loob ng unang limang araw ng iyong regla, ikaw ay protektado kaagad mula sa pagbubuntis. Kung magsisimula ka nang mas huli, kailangan mong maghintay ng pitong araw bago ka protektado. Dapat mong gamitin ang ibang paraan ng kontrasepto sa panahong ito.
Tip 2: Kung ikaw ay may maikling siklo ng pag-reregla at ang iyong regla ay nagaganap kada 23 araw o mas maikli pa, maaaring hindi ka protektado mula sa pagbubuntis kung magsisimula kang gumamit ng kontraseptibong patsé sa ikalimang araw ng iyong regla o higit pa at, kaya, kailangan mo ng karagdagang paraan ng kontrasepto sa unang pitong araw [3].
Tip 3: Huwag gumamit ng mga lotion, langis, pabango, malapot na sabon, o makeup sa lugar kung saan mo inilalagay ang iyong patsé. Ito ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng patsé na dumikit.
Tip 4: Araw-araw suriin ang iyong patsé upang tiyakin na ito ay naka-kabit ng tama. Normal na magkaroon ng kaunting lint na tumutubo sa paligid ng patsé.
Tip 5: Kapag inaalis mo ang patsé, baluktutin ito sa kalahati bago itapon. Ito ay makatutulong upang hindi makaapekto ang mga hormona sa lupa. Huwag itapon sa inidoro.
Ano ang mangyayari kung nakalimutan kong tanggalin ang aking Kontraseptibong Patsé?
Kung nakalimutan mong alisin ang iyong patsé, dapat mong tanggalin ang lumang patsé at isuot ang bagong patsé. Tiyakin na palitan ito sa iyong karaniwang araw ng pagpapalit. Ikaw pa rin ay protektado mula sa pagbubuntis kung sa oras na nakalimutan mong tanggalin ito, maayos mong ginamit ang patsé.
Kung lumipas na ang 48 oras mula sa oras na dapat mong palitan ang iyong patsé, isuot na lamang ang bagong patsé at palitan ito sa iyong karaniwang araw ng pagpapalit. Bukod pa rito, gamitin ang isang backup na paraan ng kontrasepto sa susunod na pitong araw. Kung nagkaroon ka ng pakikipagtalik sa nakaraang mga araw, siguraduhing gamitin ang mga emergency contraceptives.
Kung nakalimutan mong tanggalin ang kontraseptibong patsé matapos ang ikatlong linggo, tanggalin ang lumang patch sa lalong madaling panahon at magsimula ng iyong “patch-free week”. Pagkatapos nito, magsimula ng panibagong siklo ng patsé sa iyong karaniwang petsa ng pag-uumpisa. Ibig sabihin nito, mas maikling panahon ng walang patch ang iyong magiging kalagayan. Ikaw ay protektado pa rin mula sa pagbubuntis at hindi na kailangang gumamit ng backup na paraan ng kontrasepto [4].