Hindi pwedeng gamitin ang Kontraseptibong patsé sa mga babaeng meron nito:
May malubhang sakit sa atay, cirrhosis ng atay, o kanser sa atay;
Kasalukuyang mayroon, o nakaranas na ng kanser sa suso;
May malubhang migraine na mayroong aura (isang malinaw na lugar ng nawalang paningin sa mata bago ang malalang sakit ng ulo);
May kasaysayan ng stroke o sakit sa puso;
Kamakailan lamang nagluwal o nanganak (sa loob ng tatlo hanggang anim na linggo) – Gayunpaman, maaari mong gamitin ang patsé matapos ang anim na buwan o kapag hindi na ang gatas ng ina ang pangunahing pagkain ng iyong sanggol;
May kasaysayan ng pag buo ng dugo (deep vein thrombosis o pulmonary embolism) o kung ikaw o ang isang miyembro ng pamilya mo ay mayroong mga karamdaman sa dugo na maaaring magpataas ng panganib na magkaroon ng blood clot;
Naninigarilyo at may edad na 35 taon o mas matanda (kung ikaw ay higit sa 35 taon at naninigarilyo habang gumagamit ng patsé, nagpapataas ito ng panganib ng ilang side effects – inirerekomenda na konsultahin ito sa iyong doktor [9]);
Timbang ng higit sa 198 pounds o 90 kilograms (maaaring maging mas kaunti ang epekto ng patch kung ikaw ay higit sa 90 kilo [10]);
Nakakaranas ng di-normal na pagdurugo sa puwerta na hindi pa na-evaluate;
Mayroong mataas na presyon ng dugo (hypertension); at
Mayroon nang diabetes nang higit sa 20 taon na may kasamang problema sa mata, ugat, o bato.
Kung ikaw ay may isa sa mga nabanggit na kondisyon, kumunsulta sa isang kwalipikadong Tangapangalagang pangkalusugan para sa payo tungkol sa pinakamahusay na paraan ng contraceptive para sa iyo.
Mayroon bang limitasyon sa timbang para sa pagkontrol ng pagbubuntis Kontraseptibong patsé?
Tandaan na ang patsé ay mas kaunti ang epektibo sa pag-iwas ng pagbubuntis para sa mga kababaihang may timbang na higit sa 198 pounds o 90 kilograms. Kung ikaw ay may timbang na 90 kilograms o higit pa, dapat mong isaalang-alang ang paggamit ng ibang paraan ng kontraseptibo.