Mga benepisyo sa kalusugan [5]
Ito ay sobrang epektibo sa pagpigil ng pagbubuntis. Sa karaniwang paggamit o sa paraan na karamihan ng mga tao ay gumagamit nito, ang patsé ay pumupigil ng pagbubuntis ng 93 sa 100 na kababaihan na gumagamit nito. Sa maayos na paggamit, ito ay nagpapipigil ng pagbubuntis sa 99 na 100 na kababaihan.
Ito ay tumutulong sa pamamahala ng ilang problema kaugnay ng regla. Halimbawa, ito ay maaaring pumapalya ng tagal ng regla at pumipigil sa mga dysmenorrhea at pre-menstrual syndrome.
Ito ay maaaring magbigay ng pag-regulasyon sa pag-regla – maaaring gawing mas regular, mas magaan, at mas kaunti ang sakit tuwing may regla.
Ito ay tumutulong sa pagbawas ng mga sintomas ng endometriosis.
Ito ay nagbibigay ng proteksyon laban sa kanser sa endometrium at obaryo.
Ito ay nagbawas ng panganib ng anemya na dulot ng kakulangan sa iron.
Ito ay nagbawas ng panganib ng mga sist sa obaryo , fibrocystic breast syndrome, at fibroadenomas ng dibdib.
Tumutulong para ma lunasan ang maraming taghiyawat
Mananatiling epektibo kahit pa ikaw ay magsuka at magtatae.
Mga benepisyo sa pang araw-araw na buhay
Ito ay nangangailangan ng katamtamang pagsisikap lamang. Ito ay isang magandang alternatibo para sa mga kababaihan na nais ng kontraseptibong katulad ng kombinasyon ng oral na kontraseptibo nang hindi kailangang mag-alala sa pag-inom ng araw-araw na tableta [6].
Madali itong gamitin – ito ay katulad ng paglalagay ng isang pirasong tape (at kailangan mo lamang palitan ito tuwing linggo).
Hindi nito pinipigilan ang pakikipagtalik.
Ito ay nagbibigay ng ma-aasahang pag-regla. Kung gusto mo na magkaroon ng regla tuwing buwan na walang spotting, ang patsé ay maaaring magandang pagpipilian para sa iyo.
Ito ay hindi nagpapahinto sa pagbabalik ng kakayahan sa pagbubuntis. Maaari kang mabuntis kaagad pagkatapos mong itigil ang paggamit ng patsé. Kung hindi ka pa handa na mabuntis, magpalit ka ng ibang paraan ng kontrasepto.