Bagama’t hindi ito karaniwang reklamo ng mga gumagamit ng injectable, isa itong potensyal na side effect. Kaya ang unang hakbang ay itsek kung ano pa sa buhay mo ang maaaring nagdudulot ng pagbabago sa iyong ganang makipagtalik? Pagod ka ba? Nakakaranas ka ba ng mga problema sa relasyon? Maaaring mabago mo ang ilan sa mga bagay na ito, upang palakasin ang gana mong makipagtalik: subukang mag-ehersisyo nang mas madalas, sumubok ng mga bagong bagay sa kama, subukang magkaroon ng bukas na pag-uusap tungkol sa iyong mga nararamadaman at pangangailangan sa iyong kapareha.
Hindi pa rin gumagana? Kung tiningnan mo na ang ibang bagay sa iyong buhay na maaaring nagdudulot ng kawalan ng ganang makipagtalik at naiisip mo pa ring ang injectable ang salarin, isaalang-alang ang paglipat sa pill, patch, o ring (na may mas kaunting hormones at mas madaling ihinto ang paggamit kung magpapatuloy ang problema) o IUD (na may kakaunti o walang hormones). Maaari ka ring sumubok ng mga hindi hormonal na pamamaraan tulad ng diaphragm, mga external condom (para sa lalaki), o internal condom (para sa babae).
Sumubok ng ibang pamamaraan: IUD, Patch, Pill, Ring.
Mga sanggunian:
- World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1