Bago gumamit ng condom, kailangang palagi mong itsek ang petsa ng pag-expire at inspeksyunin nang maigi ang balat.
Upang tiyaking buo pa ang iyong condom, pindutin muna ang balat – dapat makaramdam ka ng kaunting hangin. Kung nararamdaman mo pa ang hangin, nangangahulugan ito na hindi pa nasisira o nabubutas ang labas ng balat.
Habang pinipindot ang balat, pakiramdaman ang pagdulas ng lube. (Hindi ito gagana sa mga non-lubricated condom.) Kapag iniwan sa initan o nabutas ang mga condom, maaaring matuyo o tumagas ang lube, na siyang magpapatuyo sa condom at magpapahina rito, at magiging dahilan para mas malamang na mabutas ito sa gitna ng aksyon.
Kung expired na o sira na ang packaging ng iyong condom, gumamit ng bagong condom.
Itago ang iyong mga condom sa lugar na malamig at tuyo.
Sumubok ng ibang pamamaraan: implant, IUD, Pill, ring, injectable.
Paano kung expired na ang external condom (para sa lalaki) ko?
Hindi nahanap ang kasagutan?
Tanungin si Myka, ang aming chatbot.