Ang ilang babae ay nagkakaroon nga ng urinary tract infection dahil sa paggamit ng diaphragm. Maaaring makatulong kung iihi ka bago pa ipasok ang diaphragm. Umihi ulit matapos mong makipagtalik.
Maaari mo ring itsek sa iyong health care provider upang tiyaking tama ang fit o kasyang-kasya ang iyong diaphragm.
Hindi pa rin gumagana? Kung nagkakaroon ka pa rin ng urinary tract infection at gusto mong magpalit ng pamamaraan, magsaalang-alang ng pamamaraang hindi mo kailangang ipasok sa sarili mo sa tuwing makikipagtalik ka.
Sumubok ng ibang pamamaraan: implant, IUD, Patch, Pill, injectable.
References:
- Society of Obstetricians and Gynaecologists of Canada. (2015). Canadian Contraception Consensus Chapter 5: Barrier Methods. JOGC Journal of Obstetrics and Gynaecology Canada , 37. Retrieved from https://www.jogc.com/article/S1701-2163(16)39376-8/pdf