Mga Benepisyo ng Pagtatali ng Lagusang-itlog:
– Walang anumang hind inaasahang epekto.
– Walang mga alalahanin ukol sa hormona. Kung ayaw mong gumamit ng pamamaraang hormonal, ito ay isang opsyon. At higit pa, ang pagpapatali ay hindi nagbabago sa natural na mga hormona ng iyong katawan.
– Mababa ang hirap. Isinasagawa mo ang prosedura isang beses, at hindi mo na kailangang isipin pa ito muli.
– Magandang opsyon kung meron ka nang sapat na anak o kung ayaw mong magkaroon ng anak.
– Maari kang makipagtalik nang hindi nag-aalala tungkol sa pagbubuntis.
Mga hndi inaasahang epekto ng Pagtatali ng Lagusang-itlog
Walang kilalang hindi inaasahang epekto ang pagtatali ng lagusang-itlog. Gayunpaman, maari kang makaranas ng mga komplikasyon kaugnay sa operasyon, kabilang ang:
– pagdurugo,
– impeksyon,
– reaksyon sa anestesya, at
– napakabihirang panganib na ang iyong mga lagusan ay muling magkakabit, na maaring humantong sa pagbubuntis (8).
Mga Disadvantage ng Pagtatali ng Lagusang-itlog
– Ito’y permanente. Bago ka sumailalim sa pagtatali ng lagusang-itlog, dapat kang 100% sigurado na ayaw mong magkaroon ng biyolohikal na anak.
– Hindi ito nagbibigay proteksyon laban sa STIs (Mga Sekswal na Naipapasa na Infeksiyon) (2).