– Karaniwan, ang mga babae na sumailalim sa pamamaraan ng pagtatali ng lagusang-itlog ay makakauwi sa mismong araw din ng operasyon. Gayunpaman, maaaring kailanganin ng ilang oras bago mawala ang epekto ng anesthesia, kaya’t inirerekomenda na may kasama kang tao na maghahatid sa’yo pauwi pagkatapos ng operasyon at, higit sa lahat, bigyan mo ang sarili ng sapat na oras upang gumaling.
– Malamang ay mararamdaman mo ang sakit sa lugar ng hiwa. Ito ay normal at bibigyan ka ng iyong Tagapangalagang pangkalusugan ng mga gamot para sa sakit na ito. Ilang mga babae ang nag-ulat na nararanasan ang pamamaga, pagiging masungit sa pagkain, pagkahilo, pagkikig, at sakit sa balikat sa mga araw pagkatapos ng pagtatali ng lagusang-itlog. Karaniwan, ang sakit sa balikat ay sanhi ng gas na pino-pump sa tiyan upang palakihin ito habang ang prosedur ay isinasagawa. Ang paghiga sandali ay karaniwan ng makakapagpagaan ng sakit.
– Sa bihirang pagkakataon, maari kang magkaroon ng impeksyon sa lugar ng hiwa. Kung mararanasan mo ang temperatura na higit sa 38° C (100.4° F), mga pananandalian ng pagkahimatay, sakit, at/o pagdurugo, o pagtulo mula sa lugar ng hiwa na patuloy o tumataas 12 oras pagkatapos ng operasyon, dapat mong kontakin ang iyong Tagapangalagang pangkalusugan (7).
Gaano katagal ang panahon ng paggaling mula sa pagtatali ng lagusang-itlog?
Sa pangkalahatan, ang oras na kailangan upang gumaling ay magdedepende sa kalusugan mo at kung gaano kabilis gumaling ang iyong katawan mula sa isang kirurhikong pamamaraan. Batay sa klase ng pagtatali ng lagusang-itlog na ginawa sa iyo, maaari itong tumagal ng 2–21 araw bago tuluyang gumaling mula sa operasyon. Ang pagkuha ng pamamaraan habang isinasagawa ang cesarean section ay hindi magpapahaba sa panahon ng paggaling, at dapat kang makabangon sa loob ng karaniwang panahon ng paggaling. Karaniwan, inirerekomenda na magpahinga ka at iwasan ang pagbuhat ng bagay na mas mabigat sa 12 pounds (6 kg) sa loob ng kahit isang linggo pagkatapos ng operasyon. Kung mayroon kang tahi, ito ay matutunaw mag-isa o ang iyong Tagapangalagang pangkalusugan ay magse-set ng appointment upang alisin ang mga ito.
Gaano katagal pagkatapos ng pagtatali ng lagusang-itlog bago ako makipagtalik?
Bagamat ang pagtatali ng lagusang-itlog ay magbibigay ng agarang proteksyon mula sa sex, makipag-usap sa iyong Tagapangalagang pangkalusugan tungkol sa kung gaano kabilis mo dapat ituloy ang pagkakaroon ng vaginal na pakikipagtalik. Gayunpaman, karamihan sa mga tao ay makakapagtalik sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo pagkatapos ng pamamaraan.