Magkakaiba ang bawat isa, at walang unibersal na senyales na babantayan. Makakatulong ang pakikipag-usap sa iyong kapareha. Kung gusto mong gumamit ng withdrawal bilang contraception subalit hindi ka nakatitiyak kung ano ang mga senyales, magsanay muna nang may suot na condom.
Hindi pa rin gumagana? Kung ayaw mong mabuntis ngayon at hindi kasingdali ng iyong iniisip ang paghugot ng ari ng lalaki, makabubuting gumamit ka ng mas epektibong pamamaraan. Ang ilang hindi nangangailangan ng aksyon habang nakikipagtalik ka ay ang IUD, implant, at injectable. Isaalang-alang ang paggamit ng mga condom para sa proteksyon laban sa STI.
Sumubok ng ibang pamamaraan: implant, IUD, injectable, mga condom.
References:
- World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1