Bakit nag-iiwan ng hugis-parisukat na maitim na malagkit na bahagi ang patch?

Hindi mo kailangang mag-alala, malamang iyon ay kaunting alikabok at dumi lamang na napupunta sa pandikit o adhesive na nagpapanatili sa patch sa iyong balat. Habang nasa lugar ang patch, wala kang masyadong magagawa. Subukang huwag alisin ang patch o sundutin ang mga kanto nito dahil maaari itong maging dahilan para hindi na dumikit ang patch. Sa sandaling alisin mo ang patch, subukang magkuskos ng kaunting mantika sa mga marka. Maaalis ang mga ito sa kakaunting kuskos lamang.

Hindi pa rin gumagana? Kung masyado kang nababahala sa madikit na bahagi at gusto mo ng pamamaraan ng contraceptive na hindi mo kailangang alalahanin araw-araw o sa tuwing makikipagtalik ka, makabubuting itsek mo ang implant, IUD, ring, o ang injectable.

Sumubok ng ibang pamamaraan:  implant, IUD, Ring, injectable.