Paano kung paulit-ulit na natatanggap ang patch?

Hindi madalas na nalalaglag ang mga patch. Subalit kapag nalaglag ang patch, huwag kang mag-alala. Maaari mong idikit ulit ang parehong patch kung hindi umabot ng 24 na oras mula nang malaglag ito, at madikit pa rin ang patch. O maaari kang gumamit ng bagong patch.

HUWAG gumamit ng mga benda, tape, o pandikit upang idikit ang hindi madikit na patch. Ang hormones na pumipigil sa iyong mabuntis ay inihalo sa pandikit o adhesive, kaya kung ayaw na nitong dumikit, hindi na ito magiging epektibong pamamaraan.

Subukan ito: tiyaking hindi ka gagamit ng anumang lotion, oil, pulbo, cream,o gamot sa balat mo kung saan inilagay mo ang patch. Ang paggamit ng lotion o oil matapos maligo ay maaaring makaapekto rin sa pagdikit ng patch.

Hindi pa rin gumagana? Kung madalas pa rin itong malaglag, makabubuting sumubok ka ng pamamaraang ipinapasok sa katawan. Maaaring implant, isang IUD, o ring

Sumubok ng ibang pamamaraan: implant, IUD, Ring.


Mga sanggunian:

  1. Reproductive Health Access Project. (2015). THE PATCH. Retrieved from https://www.reproductiveaccess.org/wp-content/uploads/2014/12/factsheet_patch.pdf

Hindi nahanap ang kasagutan?

Tanungin si Myka, ang aming chatbot.