Paano kapag natukso akong makipagtalik?

Natural lamang na maakit sa isang tao. Kung isinasaalang-alang mo nang makipagtalik matapos ang isang panahon ng abstinence o pag-iwas, mahalagang maglaan ng panahon upang pag-isipan ang mga dahilan ng iyong paghihintay.
Kapag nagpasya kang hindi muna makipagtalik, kailangan mong kausapin ang iyong kapareha tungkol sa iyong mga dahilan para hindi makipagtalik. Maaari niyo ring pag-usapan ang mga limtasyon ng kung ano ang komportable kang gawin kasama ang iyong kapareha.
Kapag nagpasya kang gusto mo nang magsimulang makipagtalik, kailangan mong maghanap ng pamamaraang contraceptive na tama para sa iyo. Tiyaking gagawin mo ito bago ka makipagtalik.
Anuman ang maging desisyon mo, makabubuting magkaroon ka ng nakatabing external condom (para sa lalaki), internal condom (para sa babae) at Pang-emerhensiyang Contraception kung sakali.
Hindi pa rin gumagana? Kung hindi na gumagana para sa iyo ang “huwag muna ngayon”, kailangan mong makapag-isip (at magkaroon) ng maaasahang pamamaraan bago ka magsimulang makipagtalik. Makabubuti kung maghahanap ka ng pangmatagalang pamamaraang maaaring bawiin tulad ng IUD o implant, o kung araw mo pa noon, maaari kang magsimula sa mga external condom (para sa lalaki)/internal condom (para sa babae) at hormonal na pamamaraan. At huwag kalimutan, ang mga condom ang tanging pamamaraang nakakaprotekta laban sa mga STI!
Sumubok ng ibang pamamaraan: internal condom (para sa babae); implant; IUD; external condom (para sa lalaki); injectable.


References:

  1. World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1

Hindi nahanap ang kasagutan?

Tanungin si Myka, ang aming chatbot.