Bagamat ang Hormonang IUD (dispositibong intrauterino) kontraseptibo ay isa sa pinakaepektibong paraan ng pagpaplano ng pamilya, maaaring hindi ito ang angkop na paraan para sa mga indibidwal na may iba’t ibang kondisyon na nangangailangan ng limitadong paggamit ng hormonang progestin.
Ang Hormonang IUD (dispositibong intrauterino) marahil ay hindi para sayo kung:
May malalim na ugat pang-thrombosis ka;
Ikaw ay natuklasang may malalang kanser sa atay, malalang tumor sa atay, o cirrhosis ng atay;
Mayroon ka o minsan nang nagkaroon ng kanser sa suso;
Nararanasan mo ang di-maipaliwanag na pagdurugo sa ari – dapat suriin ng iyong doktor ang sanhi nito bago ipasok ang IUD; at
Mayroon kang anumang ginekologiko o obsetrikong kondisyon, tulad ng Tyuberkulosis sa sinapupunan o genital na kanser.
Kung mayroon kang alinman sa mga nabanggit na kondisyon, mangyaring kumunsulta sa isang kwalipikadong Taga-pagangalagang pangkalusugan. Papayuhan ka ng pinakamahusay na paraan ng pagpaplano ng pamilya para sa iyo [10].