Pangkalusugang Benepisyo
Ang mga Hormonang IUD (dispositibong intrauterino)ay kilala sa ilang mga benepisyo sa kalusugan tulad ng:
Nagbibigay ng 99% na proteksyon laban sa panganib ng pagbubuntis. Ang mga Hormonang IUD (dispositibong intrauterino) ay isa sa pinakaepektibong paraan ng pagpigil sa pagbubuntis – 99 sa bawat 100 na indibidwal na gumagamit ng paraang ito ay magtatagumpay sa pag-iwas sa pagbubuntis.
Posibleng pababain ang posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa serviks o endometriyo (matris).
Pagsasaayos ng sakit ng pang-regla at pagbawas ng lubhang maraming dugo tuwing may regla.
Pagbawas ng panganib ng ektopiyang pagbubuntis.
Pagbawas ng mga sintomas na kaugnay ng endometriyosis, kasama na ang hindi regular na pagdurugo at sakit sa pelvis.
Proteksyon laban sa anemya o kakulangan sa iron
Benepisyo sa pamumuhay
IUD (dispositibong intrauterino) bilang pang-emerhensiyang kontrasepsyon
Natuklasan ng bagong datos na ang Hormonang IUD (dispositibong intrauterino) (52mg LNG) ay epektibong Pang-emerhensiyang kontraseptibo kung isasalansang ito sa loob ng 120 oras (limang araw) matapos ang hindi protektadong pagtatalik [8].
Ligtas ito sa lahat ng mga katawan ng babae
Ang Hormonang IUD (dispositibong intrauterino) ay ligtas para sa karamihan ng katawan ng mga kababaihan, kabilang ang mga dalaga at mga babae na nasa edad na 40 pataas. Karamihan sa mga eksperto ay sumasang-ayon na kung ikaw ay malusog at may matris, malamang na ikaw ay isang magandang kandidato para sa dispositibong intrauterino, at ito ay totoo kahit na ikaw ay bata pa, hindi pa nabubuntis o nagkaanak, kamakailan lamang nagkaroon ng aborsyon o pagkalaglag (hangga’t wala kang ginagamot na impeksyon), nagkaroon ng ectopic pregnancy, nauna nang nagkaroon ngSakit sa sinapupunan, mayroong HIV na may malalabong sintomas (on/off antiretrovirals), o kulang sa dugo. Ito rin ay isang mahusay na paraan para sa mga bagong ina (nagpapasuso man o hindi nagpapasuso).
Madaling maitago
Ang Hormonang IUD (dispositibong intrauterino) ay isang maliit na plastic na hugis titik-T na aparato na isinasalansan sa matris (bahay-bata), at hindi ito madalas mapapansin ng karamihan. Wala itong packaging at walang kailangan gawin bago magkaroon ng pakikipagtalik. Sa ilang bihirang kaso, maaaring maramdaman ng kasama ang dispositibong intrauterino o ang mga hibla nito sa panahon ng pakikipagtalik, ngunit madali namang bawasan ng isang Taga pagangalagang pangkalusugan ang mga hibla.
Hindi mo kailangang magpakahirap
Kunin mo at kalimutan mo. Kung ayaw mong mag-alala sa pag-alala ng iyong paraan ng pagkontrol ng pagbubuntis, maaaring ang IUD (dispositibong intrauterino) ay para sa iyo. Ito ay isinasalansan ng isang beses lamang at nagtatagal nang tatlong hanggang pitong taon, depende sa uri nito (laki at dami ng levonorgestrel).
Hindi ito nakakapaabala sa init ng mga sandali
Tumatagal ito kahit ng walang anumang paghihirap
Hindi kailangang gamitang ng kamay
Dahil ang paglalagay ng dispositibong intrauterino ay ginagawa sa isang Pangkalusugan pasilidad, wala kang kailangang kunin na mga pakete o reseta sa botika. Samakatuwid, wala rin anumang mawawala o makakalimutan.
Gaano kabilis para mabuntis pagkatapos tanggalin ang IUD (dispositibong intrauterino)
Maaaring mabuntis ka nang mabilis pagkatapos mong tanggalin ang dispositibong intrauterino. Kung hindi ka pa handang mabuntis agad matapos tanggalin ang IUD, siguraduhing protektado ka sa pamamagitan ng ibang paraan.
Madaling makita o mahagilap
Gusto mo bang gamitin ang paraang ito? Ito ay napakadaling makita or mahanap, magtanong lamang sa iyong lokal na Pangkalusugan pasilidad.