Paano kung napakarami ng discharge na nagmumula sa ari ko?

Ang labis na discharge na nararanasan mo dahil sa paggamit ng ring ay malamang na pangkaraniwan. Mababawasan din iyon pagkatapos ng ilang buwan. Maaaring dahil rin ito sa pagprotekta ng ring sa iyo laban sa impeksyong tinatawag na bacterial vaginosis.
Kung nababahala ka pa rin, makipag-usap sa isang health care provider.
Hindi pa rin gumagana? Kapag tumagal nang mahigit sa ilang buwan ang discharge at ayaw mo talaga ito, pag-isipan ang paggamit ng ibang pamamaraan. Maaari mong subukan ang pill, patch, o ang injectable. Mainam ang pill at patch kung gusto mo ng regular na regla. Kung ayos lang sa iyo ang hindi regular o walang regla, magandang ideya ang injectable.
Sumubok ng ibang pamamaraan: Patch, Pill, injectable.


References:

  1. SHINE SA. (2017). Contraceptive Vaginal Ring. Retrieved from https://shinesa.org.au/health-information/contraception/contraceptive-vaginal-ring/

Hindi nahanap ang kasagutan?

Tanungin si Myka, ang aming chatbot.