Hindi bigo ang mga Filipino sa pagbibigay kasiyahan kahit sa panahon ng kalungkutan—magkasunod na pinangalanan ng bagong mga magulang ang kanilang mga sanggol na kasisilang pa lang na “Covid Bryant” at “Covid Rose”.
At siyempre, sumabog sa aliw at tuwa ang social media. Ang ilan sa mga user ng Twiiter ay boto na sa dalawang magiging “quaranteens”, hinuhulaan na magkikita sila balang araw, pag-uusapan ang pinagmulan ng kanilang mga pangalan, at mag-iibigan. Habang ang dalawang mga sanggol ay isinilang na malusog at katabi ang kanilang mga ina, hindi lahat ay “pag-ibig sa panahon ng COVID”.
Maraming mga ina ang hindi pinalad dahil hindi nila nakayanan ang hirap sa panganganak.
Mayroong tumataas na bilang ng kababaihang buntis na namatay dahil tinanggihan silang gamutin ng medikal na mga pasilidad dahil nagpatupad ang pamahalaan ng mahigpit na mga hakbang sa pagkontrol upang mapagaan ang epekto ng pandemya. Ang mga tagasulong ng mga karapatang pangkababaihan ang nag-udyok sa nasyunal na pamahalaan na igalang ang kanilang mga pangako na protektahan ang kalusugan ng kababaihan sa pamamagitan ng pagtitiyak ng pagkakaroon ng at akses sa mahahalagang serbisyong sekswal at reproduktibo (SRH), kalakip ang sinasabing mga serbisyo sa kanilang pagtugon sa COVID-19.
Ang abogado sa Center for Reproductive Rights Asia na si Jihan Jacob ay iginigiit na ang pagtanggi sa pagbibigay ng agarang pangangalaga sa reproduktibong pangkalusugan nga kababaihan ay lumalabag sa kanilang pangunahing mga karapatan na garantisado sa ilalim ng ating Saligang Batas at ang karamihan sa ating mga batas kalakip ang Anti-Hospital Deposit Law, Magna Carta of Women, at ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act. Idinagdag ni Jacob na ang kasalukuyang pandemya at ang limitasyon sa pinagkukunan ay hindi katwiran ng pag-urong sa mga obligasyong ito.
Bago ang coronavirus
Bago pa man ang pandemya, gayunpaman, hindi ito naging madali sa kababaihan. Ang pagkawasak dala ng COVID-19 ay nagbigay-diin sa mahirap na mga kalagayan na kinakaharap ng kababaihan pagdating sa reproduktibong kalusugan. Ang pahayag ng mga grupo sa mga karapatang pangkababaihan na 2,400 na kababaihan at mga babae ang namamatay sa Pilipinas mula sa naiiwasang mga sanhi kaugnay sa pagbubuntis at panganganak kalakip ang postpartum hemorrhage, mga komplikasyon sa hindi ligtas na pagpapalaglag, hypertensive disorders at sepsis. Ang mga grupong ito ay may kinikinitang pagtaas sa mga kamatayang ito dahil sa bumababang mga pinagkukunan ng sistemang pangkalusugan, kakulangan sa agarang pag-akses sa tamang impormasyon at mga serbisyo sa reproduktibong kalusugan, kakapusan sa mga pasilidad na pang-transportasyon, at pagbaba o tuluyang pagkawala ng kita at mga trabaho dahil sa pagtugon sa COVID-19, na bigong pagtuonan ng pansin ang tiyak na mga pangangailangan ng reproduktibong kalusugan at mga karapatan ng kababaihan.
Ang malaking larawan
Ang kakulangan ng mas malakas na hakbang tungo sa paglinang ng reproduktibong kalusugan ng kababaihan ay nauunawaan dahil sa kaalaman sa pagtrato sa kababaihan ng kasalukuyang pamahalaan. Ang kawalang-respeto sa kababaihan ng Pangulo ay waring umaalingangaw sa mga saloobin ng malaki-laking bahagi ng populasyon—na ang kababaihan ay tinuturing na tradisyonal, halos luma, konserbatibo, i.e. ang kababaihan ay hindi nag-iisang nagmamay-ari ng kanilang mga katawan, at kailangang sumunod sa kung ano ang inaasahan sa kanila ng lipunan. Kung kaya, ang kontraseptibo, pagpapalaglag, at kaswal na pakikipagtalik, ay nananatiling taboo, hindi naaangkop na mga paksa ng pag-uusap na hindi dapat pinag-uusapan sa harap ng kagalang-galang na kompanya. Kaya ang kababaihan, mismo, ang napapahiya sa kamangmangan at kawalan ng malay pagdating sa kanilang sekswal at reproduktibong mga karapatan at mga kalayaan. Ang epekto nito ay kalimitang kalunos-lunos, buhay ng babae ang kabayaran.
Marahil, dahil inilagay ng virus ang mga isyung ito sa harapan, kung saan hindi na sila maaaring maipagsawalang-bahala, na ang mga mambabatas at ang mga nasasakupan ay sumali sa mas seryosong pag-uusap tungkol sa reproduktibong kalusugan ng kababaihan, mga pag-uusap na inaasahng maging matagumpay. Marahil, balang araw, makapamumuhay si Covid Rose sa mundo kung saan nagpapasya siya sa kung ano ang nais niyang gawin sa kanyang katawan—kung magkaroon siya ng Covidudapdap kay Covid Bryant o hindi, at hindi niya isusugal ang kanyang buhay para sa kanyang mga pagpipilian.
Mayroon ba kayong ibabahagi? Iwanan ang iyong mga komento sa ibaba, makipag-ugnay sa amin sa aming mga platform sa social media: Facebook, Instagram at Twitter o magpadala sa amin ng isang email sa info@findmymethod.org . Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpipigil sa pagbubuntis, bisitahin ang findmymethod.org
Tungkol sa may-akda: Si Dawn Macahilo ay isang aktibista sa kalusugan at reproduktibo sa kalusugan at karapatan na nakabase sa Maynila.