Upang magtagumpay ang pamamaraang widrawal, kailangang maging maalalahanin ang lalaki kung kailan siya ay lalabasan na. Kinakailangan ang mataas na antas ng kamalayan at kakayahan na maunawaan kung kailan mangyayari ang pag-ejaculate at magawa itong iwasan bago ito mangyari.
Tandaan na ang likido kung hindi pa nilalabasan ang lalake ay na kilala rin bilang pre-cum (ang likidong lumalabas mula sa titi kapag ito ay nagiging aroused), ay maaaring maglaman ng esperma. Kaya kahit iwasan ng lalaki ang pag-ejaculate bago ito mangyari, mayroon pa ring panganib na mabuntis ang babae.
Bagamat maaring gamitin ang pamamaraang ito bilang pangunahing o pangalawang paraan, upang gawing mas epektibo ang pag-atras, mabuting gamitin din ang pamatay binhi (spermicide).
Gaano ba ka epektibo ang withdrawal na pamamaraan?
Ang pamamaraang pag-atras ay isa sa mga hindi gaanong epektibong paraan ng pagpaplano ng pamilya.
Ang kahusayan nito ay naka-depende sa kakayahan ng lalaki na maalala na i-withdraw ang kanyang titi mula sa loob ng ari ng babae bago siya mag-ejaculate, sa bawat pagtatalik na walang proteksyon.
Sa pangkaraniwang paggamit, tanging 80% lamang ng mga gumagamit ang naging magtatagumpay na maiwasan ang pagbubuntis sa loob ng unang taon. Ibig sabihin, 20 sa bawat 100 na kababaihan na gumagamit ng pamamaraang ito ay nasa panganib na mabuntis.
Kapag ginamit nang tama sa bawat pagtatalik, magtatagumpay ang 94% ng mga kababaihan na maiwasan ang pagbubuntis sa loob ng isang taon ng paggamit. Ibig sabihin, 6 sa bawat 100 na kababaihan na gumagamit ng pamamaraang ito nang wasto ay nasa panganib pa rin na mabuntis (tandaan na maaari pa rin mabuntis mula sa pre-cum).
Anong tsansa ng pagbubuntis kung i-withdraw niya ito, at pagkatapos ay ipapasok ulit?
Kahit anong halaga ng sperm na natira pagkatapos mag-ejaculate ang isang lalaki ay maaaring magdulot ng pagbubuntis. Upang tiyakin na malinis ang titi mula sa anumang natirang esperma, kailangang umihi at linisin ang dulo ng titi bago muling magkaruon ng pakikipagtalik ng titi sa ari ng babae.