Ano ang withdrawal o pull-out method?
Ang withdrawal ay isa sa mga pinakamatandang paraan ng kontraseptibo. Ito ay napaka-simpleng paraan – ang lalaki ay inilalabas ang kanyang ari mula sa lagusan ng kanyang kasama bago siya maglabas ng tamod. Ito rin ay kilala bilang “”the pull-out method”” o “”coitus interruptus.”” Upang gumana ang paraang ito, kailangan mong gawin ito nang tama sa bawat pagkakataon (1).
Paano nakakaiwas ng pagbubuntis ang withdrawal method?
Depende ang withdrawal method sa kalalakihan at sa kanilang kakayahan sa sarili. Kailangan niyang umalis bago siya maglabas ng tamod. Gumagana ang paraang ito kapag ang tamod ay napipigilan na makarating sa vulva/ari ng babae, kaya’t kailangan ng lalaki na maunawaan ang kanyang mga pagtugon sa sekswalidad (2).
Kailan itinuturing na ang withdrawal method ay angkop para sa isang magkasama?
Ang withdrawal na paraan ay maaaring isa-alang alang sa mag-kasama na:
– Hindi masyado nag tatalik
– Hindi gumagamit ng kontraseptibong pamamaraan
– Naghihintay na mag desisyon na gumamit ng bagong kontraseptibo
– Walang anumang chansang makakuha o makabili ng anumang kontraseptibo