Ang takip para sa serviks ay walang malubhang pisikal na mga epekto. Karaniwang mga epekto na nawawala kapag itinigil mo ang paggamit nito ay:
– Pagka-iritasyon sa vagina o balat;
– Madalas na urinary tract infections;
– Allergic na reaksyon sa pamatay binhi o sa silicone na materyal na ginamit sa paggawa ng takip;
– Hindi normal na pag-agos mula sa vagina (nangyayari ito kapag matagal itong naiwan sa loob);
– Bacterial vaginosis o candidiasis (bagaman hindi karaniwan); at
– nakakalason na pagkabigla na sindrom sa mga napakadalang na antas
Mga kawalan sa pag-gamit ng Takip para sa Serviks
– Kailangan ng mataas na pagsisikap. Kailangan itong mailagay sa tamang pwesto bawat beses na makikipagtalik ka. Ang paglagay ng takip para sa serviks ay maaaring makuha ng ilang oras, at ang ilang mga babae ay nahihirapan gawin ito. Kaya hindi ito magandang opsyon kung madalas kang makipagtalik.
– Mas epektibo ang takip para sa serviks kung hindi ka pa nanganganak.
– Sa ilang mga lugar, kailangan mo ng reseta upang makakuha nito.
– Maari itong malipat sa ibang pwesto ng malalaking ari ng lalaki, malalakas na pagtulak, o ilang mga posisyon sa pakikipagtalik.
– Upang gamitin ang pamamaraang ito, dapat ay komportable ka sa iyong katawan. Kung hindi ka komportable na ilagay ang iyong mga daliri sa loob ng iyong vagina, pag-isipan ang ibang pamamaraan.
– Kailangan ng konting disiplina at pagpaplano. Kailangan mong tandaan na ilagay ang iyong takip para sa serviks bawat beses na makikipagtalik ka.
– Mahirap tandaan na gamitin ito kung ikaw ay lasing.
Nagbibigay ba ng proteksyon ba ang takip para sa serviks laban sa mga sexually transmitted infections (STIs)?
Ang takip para sa serviks ay hindi nagbibigay proteksyon laban sa STIs, ngunit kumpara sa kontraseptibong Diaphragm, ang takip para sa serviks ay kaugnay ng mas mababang panganib ng urinary tract infections.
Ang paggamit ng pamatay binhi ng maraming beses sa isang araw ay maaaring magdulot ng iritasyon na nagpapataas ng iyong panganib sa STIs, kasama na ang HIV. Gamitin ito kasama ng internal o external na kondom upang bawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng impeksyon.