Kailangan mong tanggalin ito anim na oras matapos ang baginal na pagtatalik. Ganito ang pagtanggal nito:
– Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig. Hayaan silang matuyo sa hangin.
– Yumukod. Ilagay ang isang daliri sa loob ng iyong ari. Hawakan ang strap para sa pagtanggal, at ipa-ikot ang takip.
– Pindutin ng bahagya ang dome gamit ang iyong daliri upang mawala ang pagkasipsip.
– I-kawit ang iyong daliri sa ilalim ng strap at hilahin palabas ang takip.
– Matapos mo itong tanggalin, hugasan ito gamit ang banayad na sabon at mainit-init na tubig, at hayaan itong matuyo sa hangin.
– Huwag gamitin ang mga pulbos sa iyong takip – maari itong magsanhi ng impeksyon.
– Huwag mag-alala kung ito ay magbago ng kulay. Magagamit pa rin ito.
Kung nararamdaman mo ang hindi kaginhawahan sa paggamit ng pamamaraang ito, maaari mong isaalang-alang ang paglipat sa ibang paraan.
Iba-iba ang bawat isa. Ang iyong nararanasan ay maaaring hindi kapareho ng sa iba (5).
Gaano katagal tumatagal ang takip para sa serviks?
Kung maayos mong inaalagaan ang iyong takip, tatagal ito ng isa hanggang dalawang taon. Dapat mo agad na palitan ang iyong takip sa kung napapansin mo na may mga butas o punit dito.