Ano ang mga hindi ina-asahang epekto ng Progestin na tableta?
Ang mga hindi ina-asahang epekto ay hindi mga palatandaan ng karamdaman, at karamihan sa mga ito ay karaniwang nababawasan o mawawala sa loob ng unang ilang buwan ng paggamit ng tableta. Bagamat maaaring pangkaraniwan ang mga ito, hindi lahat ng kababaihan ay nagkakaroon ng mga hindi ina-asahang epekto na ito. Ang mga karaniwang iniulat na side effect ng pill ay kinabibilangan ng:
mga pagbabago sa regla ng mga gumagamit nito, kabilang ang hindi regular, bihirang, madalas, at matagal na panahon ng pagdurugo, o wala talagang pagdurugo (ang mga nagpapasuso ay maaaring magkaroon ng pagkaantala sa pagbabalik ng kanilang regla dahil ang pagpapasuso karaniwan ay nakakaapekto sa regla);
sakit ng ulo;
pagkahilo;
sakit ng tiyan;
pananakit ng dibdib;
pagbabago ng mood; at
pagsusuka (upang maiwasan ang pagsusuka, inumin ang mga pill kasabay ng pagkain o bago matulog).
Ang mga kababaihang hindi nagpapasuso ay maaaring magkaroon ng mga paglalaking linya ng obaryo [8].
Mga Panganib
Kumpara sa kombinasyong oral na kontraseptibo, ito ay bahagyang mas mababa ang epektibong pag-iwas sa pagbubuntis. Ito ay dahil hindi ito mas mahusay na nagpapigil ng pag-obyulasyon kumpara sa mga tableta na naglalaman ng estrogen.
Kung mabuntis ka habang gumagamit ng progestin-only pill, mayroong maliit na panganib na ito ay maging isang ektopiyang pagbuibuntis. Gayunpaman, mas mababa ang posibilidad ng ektopiyang pagbuibuntis kapag gumagamit ng Progestin na tableta kaysa kapag ikaw ay hindi gumagamit ng anumang paraan ng modernong kontrasepsyon.
Kung, pagkatapos ng tatlong buwan, nararamdaman mong ang mga hindi ina-asahang epekto na higit sa kaya ng iyong katawan, maaari kang lumipat sa ibang paraan at manatiling protektado. Ang mga kondom ay nagbibigay ng magandang proteksyon habang hinahanap mo ang isang paraan na akma sa iyong pangangailangan. Tandaan, ang progestin-only pill ay hindi nagpoprotekta laban sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.
Maaaring magdulot ng Acne (Sobrang taghiyawat) ang Progestin control na tableta?
Bagamat ang progestin ay hindi direktang nagiging sanhi ng acne, ito ay isa sa mga salik na nagdudulot nito. Ang progestin ay nagpapataas ng sebum (isang malagkit at langis na substansiya na ginagawa ng balat). Ang sobrang sebum sa balat ay maaaring magdulot ng pagbara sa mga pores (butas sa balat o mukha) at magbigay ng perpektong kapaligiran para sa pagdami ng mga mikrobyo. Ang kondisyong ito ang nagdudulot ng paglabas ng pimples. Ang uri ng acne na ito ay kilala bilang hormonal acne. Kung nagkakaroon ka ng acne habang gumagamit ng Progestin na tableta, kausapin ang iyong Taga-pagangalagang pangkalusugan tungkol sa mga pagpipilian sa paggamot. Kung ang hindi ina-asahang epekto na ito ay higit sa iyong kaya, maaari kang mag-isip na lumipat sa ibang paraan ng pagkontrol ng kapanganakan.
Mayroon bang relasyon ang pag-gamit ng Progestin na tableta at ang Cancer?
Ang isang kamakailang pag-aaral na isinagawa ng PLOS Medicine Journal ay nagpapakita na ang paggamit ng Progestin na tableta ay nagpapataas ng maliit na panganib ng cancer sa Suso (Breast Cancer) katulad ng panganib na matatagpuan sa mga kombinasyong tabletang kontraseptibo. Gayunpaman, mas mataas ang panganib na ito sa mga kababaihang nasa mas matandang edad ngunit karaniwang nawawala ito sa loob ng ilang taon pagkatapos ng paghinto sa paggamit. Sa magandang panig, ang mga parehong tableta na ito ay nagpoprotekta sa mga kababaihan laban sa iba pang mga uri ng cancer tulad ng cancer sa matris at cancer sa obaryo. Kung nag-iisip kang gamitin ang Progestin na tableta bilang iyong paraan ng pagkontrol ng kapanganakan, dapat mong talakayin ang lahat ng mga kapakinabangan at kahalagahan nito sa iyong Taga-pagangalagang pangkalusugan.
Dapat ba akong mag-alala tungkol sa spotting na dulot ng Progestin na tableta pagkontrol sa labis na panganganak?
Ang spotting o pagdurugo sa pagitan ng regla ay isang karaniwang hindi ina-asahang epekto ng Progestin na tableta pagkontrol sa labis na panganganak, lalo na kung nagsimula kang gumamit ng mga tableta na ito sa huling dalawang buwan. Ito ay nangyayari habang ang iyong katawan ay nag-aadjust sa bagong paraan ng pagpaplano. Ang pagdurugo sa pagitan ng regla ay sanhi ng mga nagbabagong hormone. Sa isang normal na siklo, ang progesterone at estrogen hormona na matatagpuan nang natural sa katawan ng babae ay tumutulong sa pagbuo at pagpapanatili ng lining ng matris bilang paghahanda sa pagbubuntis. Ang pagpasok ng progestin sa matris ay nagbabago sa balanse na ito. Maaaring magdulot ito ng pagdurugo o spotting na maaaring paminsan-minsan lamang.
Para sa karamihan ng mga gumagamit, ilang buwan ang kinakailangan upang ang katawan ay masanay sa paraang ito at muling magpatuloy ang normal na siklo. Kung hindi humuhupa ang pagdurugo o spotting at interesado ka pa rin sa mga contraceptives na walang estrogen, maaari mong talakayin sa iyong healthcare provider ang iba pang mga Progestin-only na pagpipilian tulad ng implants o indyektibol.