Pangkalusugang Benepisyo
Maaaring gamitin ng mga nagpapasuso na mga ina.
Kung ginagamit nang wasto ng mga nagpapasuso na kababaihan, ito ay 99% epektibo sa pag-iwas ng pagbubuntis.
May mas mababang dosis ng mga hormona kumpara sa kombinasyong o pinagsamang tableta.
Hindi tulad ng tabletang kontraseptibo, hindi nagdudulot ng mas mataas na panganib ng pagbara ng dugo ang Progestin na tableta. Ito ay maaaring gamitin ng ilang kababaihan na hindi maaaring uminom ng kombinasyong pill. Halimbawa nito ay ang mga may malalang migraines (pagsakit ng ulo) at mataas na presyon ng dugo.
Maaaring gamitin para pagakatapos makipagtalik o pang emerhensiyang kontrasepsyon. Ang Progestin pill, kung iinumin sa loob ng 72 oras matapos makipagtalik, maaaring makatulong upang pigilan o palipasin ang paglalabas ng itlog (ovulation). Gayunpaman, hindi ito nakakapigil o nagbabago sa implantasyon.
Maaaring makatulong upang gumaan ang mga sintomas ng pre-menstrual syndrome o masakit na regla
Maaaring gamitin sa anumang edad, kahit na ng mga babae na naninigarilyo at nasa 35 taong gulang pataas. [7].
Mga Benefisyo sa Pamumuhay
Ang tabletang ito ay maaaring gamitin anumang oras, kasama na ang agarang pagkatapos ng panganganak
Madaling gamitin ang tableta, ito ay at iniinom kasama ng tubig.
Ito ay madaling mabili at maaaring bilhin nang walang reseta sa mga botika at ospital.
Hindi mo kailangang huminto sa pakikipagtalik upang gamitin ito.
Ang paggamit ng tableta ay pinamamahalaan ng babae at nagbibigay sa kanya ng ganap na kontrol.
Ito ay maaaring itigil anumang oras nang walang tulong ng isang propesyonal na Taga-pagangalagang pangkalusugan
Hindi nito hinahadlangan ang fertility. Maaari kang magbuntis ilang araw pagkatapos itigil ang pag-inom ng tableta. Kung ititigil mo ang paggamit ng mga tableta at hindi pa handa na magbuntis, gamitin ang ibang paraan ng kontrasepsyon.
PInapahinto ba ng tableta (Mini Pill) ang pag-reregla?
Ang paggamit ng Mini Pill ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa pattern ng pagdurugo. Ang mga pagbabagong ito ay hindi mapanganib. Sa normal na paggamit, ang mga pill na ito ay nagpapahaba ng panahon kung saan ang mga kababaihang nagpapasuso ay hindi nagkakaroon ng buwanang pagdurugo. Para sa mga kababaihang nagkakaroon ng buwanang regla, karaniwang mararanasan ang madalas o hindi regular na pagdurugo.