Bagamat ang Kontraseptibong implant ay isang ligtas at epektibong paraan ng kontrasepsyon para sa maraming kababaihan, may ilang kondisyon na maaaring maging dahilan para hindi ka maging kandidato sa paggamit ng paraang ito. Kasama dito ang anumang kondisyon na nangangailangan sa iyo na iwasan ang progestin o ang mga gamot na maaaring bawasan ang epektibidad ng progestin hormone sa pag-iwas sa pagbubuntis.
Kailan ko dapat hindi na ipag patuloy ang pag papalagay ng Kontraseptibong implant
- Kapag possibleng ikaw ay buntis
- Kapag ikaw ay may sakit sa atay o my tumor
- Kapag ikaw ay may hindi maipaliwanag na pagdurogo sa iyong ari (Maaaring magpatingin sa doctor para malaman ang sanhi ng pagdurogo bago ipasok ang Kontraseptibong implant
- May kasaysayan ng kanser sa suso
- Ikaw ay umiinom ng gamot na maaaring maka hadlang sa epektibong pag gamit ng Kontraseptibong implant