Pangkalusugan Benepisyo
Nababawasan nito ang panganib ng ektopiyang pagbubuntis
Maaaring makatulong ito sa pag-iwas ng iron-deficiency anemia or kakulangan sa duto. Kapag nakasanayan na ng katawan ang implant, maraming kababaihan ang nag-ulat na mas kaunti at mas magaan ang kanilang mga regla.
Maaaring mapabuti nito ang mga sintomas ng premenstrual syndrome (PMS), depresyon, at mga sintomas ng endomitriyosis.
Maaaring gamitin ito ng mga kababaihang hindi maaaring uminom ng estrogen, halimbawa, sa panahon ng pagpapasuso.
Ligtas ito para sa mga naninigarilyo at mayroong hypertension at diabetes.
Benepisyo sa pamumuhay
Nag-bibigay ng pang mahabaang proteksyon sa pagbubuntis
Kapag naipasok na ang Implant, wala kang dapat na gagawin. Nanatili itong nasa ilalim ng iyong balat, nagbibigay ng proteksyon laban sa pagbubuntis sa loob ng tatlong hanggang limang taon, depende sa ginamit na implant [7].
Maaaring ilagay at kalimutan
Kung hindi mo nais na mag-alala sa pag-alala sa iyong paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis, maaaring maging magandang pagpipilian para sa iyo ang implant.
Patago / Pwedeng itago
Halos hindi maalam ng karamihan na mayroon kang Implant. Wala itong pambalot at wala kang dapat gawin bago ka makipagtalik.
Hind na kailangang gamitan ng kamay
Wala kang mga pakete o reseta na kukunin sa parmasya – wala itong maaring mawala o makalimutan.
Madali lang ang paggamit nito
Kapag naipasok na ang Implant, wala kang dapat gawin. Nanatili itong nasa ilalim ng iyong balat, nagbibigay ng proteksyon laban sa pagbubuntis sa loob ng tatlong hanggang limang taon, depende sa ginamit na implant [4].
Walang pagkaantala sa pagbalik ng kakayahang magkaanak.
Maaari kang mabuntis kahit anong oras pagkatapos tanggalin ang Implant. Kung pinatanggal mo ito pero hindi mo nais na mabuntis, protektahan ang iyong sarili agad sa pamamagitan ng ibang paraan.
Ito ay malawakang maggamit.
Gusto mo bang gumamit ng Kontraseptibong implant? Ito ay malawakang maggamit; gayunpaman, ang mga partikular na uri at tatak ay nag-iiba-iba depende sa bawat bansa.