Pagpipilian/Opsyun tuwing nag bubuntis

Naiintindihan namin na ang pagdedesisyon tungkol sa pagbubuntis na hindi planado ay maaaring maging sanhi ng pagkakabigla. Bago ka magdesisyon sa anumang bagay, kailangan mong kumpirmahin ang iyong pagbubuntis, pag-aralan mo ang tungkol sa mga pagpipilian na maaari mong magamit para sa iyo, at gawin ang mga tiyak na kinakailangang hakbang. Upang gawing mas madali at maayos ang prosesong ito, subukan mong humingi ng suporta mula sa iyong asawa, mapagkakatiwalaan kaibigan o kamag-anak, o isang maaasahang tagapangangalaga sa kalusugan, at talakayin ang iyong mga opsyon or pagpipilian.
Pagpipilian/Opsyun tuwing nag bubuntis

Ang pagkumpirma ng iyong pagbubuntis ay ang unang hakbang sa paggawa ng mga mahalagang desisyon tungkol sa iyong mga pagpipilian. Nag-aalok kami ng online na quiz o pagsusulit tungkol sa pagbubuntis na maaaring gabay sa iyo, at aming lubos na inirerekomenda na magpasuri ng ihi o dugo upang sa gayon ay matiyak natin na ikaw talaga ay nagdadalang tao. Kahit na ang urine test kit ay madaling mabibili sa isang drugstore o pharmacy at maaring gawin sa kaginhawaan ng iyong tahanan, ang blood test naman ay maari lamang gawin sa isang health care center. Kung ang iyong test ay magpapakita ng positibo resulta, ang mga susunod na hakbang naman ay magdesisyon tungkol sa iyong pagbubuntis. Mayroong iba’t-ibang pagpipilian sa pagbubuntis at narito kami upang magbigay ng impormasyon na makakatulong sa iyo sa paggawa ng iyong desisyon. Alamin ang bawat opsyon sa ibaba at pumili ng kung ano ang pinakamahusay para sa iyo.

Kung magpasya kang ituloy ang pagbubuntis, siguraduhin mong makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider. Tutulong sila sa iyo upang magplano ng Mabuti ang pangangalaga na nakabatay sa iyong pangangailangan sa buong panahon ng iyong pagbubuntis.

Dapat ding magsimulang uminom ng mga supplement o pagkain na mayaman sa bitamina tulad ng folic acid at bitamina D, na rekomendado sa panahon ng pagbubuntis; tumigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak; at bawasan ang pagkain ng kapeina. Dapat ding subukan na kumain ng may balanseng nutrisyon at iwasan ang mga pagkain na pinaniniwalaang nakasasama sa pagbubuntis; mag-ehersisyo ng maingat; siguraduhin na ang anumang gamot na iniinom ay ligtas sa pagbubuntis; at mag-ingat sa iyong pisikal at pangkaisipang kalagayan. Maaaring irerekomenda ito ng iyong doktor, pero mas magandang alamin mo na ito bago pa mangyari.

Ang desisyon na maging magulang ay hindi madaling gawin at may karapatan kang pumili kung ano ang gusto mong gawin. Kung ayaw mong pagpapalaglag pero hindi rin naman gusto maging magulang, maaari mong isaalang-alang ang pag-aampon na lamang ng bata.

Ang pagpili ng opsiyong ito ay nangangailangan ng pagdaraan sa pagbubuntis at panganganak, at pagbibigay ng permiso sa ibang tao upang magpalaki sa anak.

Ang pag-aampon ay legal sa mahigit 160 na bansa at higit sa isang-kapat ng milyong mga pag-aampon ang nangyayari sa buong mundo taun-taon. Sa paglipas ng panahon, ang mga tradisyon at batas na nagbibigay-daan sa pag-aampon ay nagbago, na mas naka-focus sa kalagayan ng bata. Gayunpaman, ang mga karapatan ng batang inampon ay nag-iiba-iba depende sa bansa. Sa ibang lugar, ang mga batang ampo ay may parehong mga karapatan tulad ng mga batang isinilang, tulad ng karapatang magmana. Sa ibang lugar, mayroong iba’t-ibang mga patakaran at regulasyon, halimbawa, inaasahan na makipag-ugnayan sa mga magulang na nagluwal.

Depende sa kinaroroonan mo, Maaari kang maghanap ng tao o organisasyon na makapagbibigay sa iyo ng tapat na impormasyon tungkol sa kultura at mga batas, pati na rin ng suporta habang pinag-iisipan mo ang desisyon na ito.

Kung napagpasyahan mong hindi ituloy ang pagbubuntis, maaari kang magpa-laglag. Depende sa kinaroroonan mo, maaaring madali o mahirap ang pag-access sa opsiyong ito. Maaaring makaimpluwensya rin sa pag aaborsyon ang mga lokal na batas at patakaran, tulad ng iyong edad, gaano katagal na ang pagbubuntis, at ang iyong insurance coverage.

May dalawang paraan para magpa-aborsyon: gamit ang mga pill at sa pamamagitan ng isang klnikal na pamamaraan.

Pagpapalaglag sa pamamagitan ng pills

Maaari kang uminom ng pills na pangpalaglag para ipatigil ang pagbubuntis. May dalawang ligtas na paraan: Una, ay ang pag-gamit ang Mifepristone kasama ang Misoprostol, o pag-gamit ang Misoprostol lamang.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang aming mga kaibigan sa howtouseabortionpill.org at safe2choose.org

Pagpapalaglag sa Kilinika

Ang mga pang klinikang pagpapalaglag ay isinasagawa ng isang kwalipikadong healthcare provider sa isang ospital o klinika. Mayroon ding iba’t ibang ligtas na paraan ng mga in-clinic na abortion, kabilang ang mga sumusunod:

  1. Manual vacuum aspiration
  2. Electric vacuum aspiration
  3. Dilation and evacuation
  4. Induction abortion

Karaniwang inirerekomenda ng healthcare provider ang isang paraan batay sa kung gaano katagal na ang pagbubuntis, mga batas at patakaran ng bansa, kung mayroong available na gamit, at ang kagustuhan ng provider o pasyente.

Maaari mong mahanap ang karagdagang detalye tungkol sa in-clinic abortion dito

Mayroong iba’t ibang karanasan sa bawat babae tungkol sa abortion. Para sa iba, ito ay simple at direkta lamang; para sa iba, maaaring magdulot ito ng sobrang stress. At ito ay okay lang. Inirerekomenda namin na bisitahin ang aming mga kaibigan sa safe2choose para sa maaasahang impormasyon at suporta tungkol sa abortion o pagpapalaglag.

Mga sanggunian

Pregnancy Options, Bedsider, www.bedsider.org/pregnancy_options

Pregnancy Options, Planned Parenthood, www.plannedparenthood.org/learn/pregnancy/pregnancy-options

Pregnancy options, New Zealand Family Planning, www.familyplanning.org.nz/advice/pregnancy/pregnancy-options

Pregnancy Choices: Raising the Baby, Adoption, and Abortion, The American College of Obstetricians and Gynecologists, www.acog.org/patient-resources/faqs/pregnancy/pregnancy-choices-raising-the-baby-adoption-and-abortion

Guide to a Safe Manual Vacuum Aspiration Abortion (MVA)”, safe2choose, https://safe2choose.org/safe-abortion/inclinic-abortion/manual-vacuum-aspiration-mva-procedure