1. Pagsusuka (morning sickness) na maaring mangyari kahit anong oras ng araw. Kung ikaw ay nakakaramdam ng pagkahilo at hindi makakain ng maayos, magpakonsulta sa iyong doktor.
2. Pagbabago sa iyong mga suso na mag kasing katulad ng mga pagkakaiba na nararamdaman mo bago ang iyong menstruation, kasama na ang pakiramdam ng kiliti, mas nakikitang mga ugat, at mas madilim at nakatayo ang nipples.
Buntis ba ako?
Ang interaktibong quiz na ito ay nagbibigay-daan sa iyo na pumili ng iyong mga senyales at sintomas at batay sa iyong resulta, ipapayo sa iyo kung malamang kang buntis.
Nakipagtalik ka ba ng walang proteksyon sa huling 5 araw?
Paanong malalaman kung buntis ako?
Kung nakipagtalik ka nang walang proteksyon at gusto mong malaman kung buntis ka o hindi, mayroong mga senyales at sintomas na dapat mong bantayan. Ang hindi pagdating ng regla ay madalas na unang senyales ng pagbubuntis, ngunit hindi ito 100% na maaasahan. Ito ay dahil ang regla ay maaaring maantala ng maraming iba’t ibang kadahilanan tulad ng stress, pagbabago sa diyeta, epekto ng kontraseptibo, o iba pang medikal na problema. Bukod dito, hindi perpekto ang mga kontraseptibo, at depende sa epektibidad ng iyong paraan, may mga sitwasyon kung saan ang kontraseptibo ay hindi nakapagpigil ng pagbubuntis. Upang malaman pa ang epektibidad at posibleng epekto ng iba’t ibang paraan ng kontraseptibo, bisitahin ang seksyon tungkol sa mga paraan ng kontraseptibo.
Kahit na nagkakaiba ang mga senyales at sintomas ng pagbubuntis sa bawat tao, ang mga sumusunod na sintomas ay maaaring magpakita na ikaw ay buntis.
Mga maagang senyales ng pagbubuntis
3. Madalas na pag-ihi – maaring magising ka sa kalagitnaan ng gabi para umihi.
4. Constipation o pagkaantala sa pagdumi.
5. Paglalabas ng puting makatas na hindi namang iritasyon. Maari ding maglabas ka ng dugo na kulay kayumanggi o rosas, na mas maliit ang volume at hindi nagtatagal ng katulad ng iyong karaniwang regla.
6. Pagkapagod
7. Kakaibang panlasa – maraming kababaihan ang naglalarawan ng pagkakaroon ng mala bakal na lasa sa kanilang bibig.
8. Kakaibang ayaw sa mga bagay tulad ng hindi pagkagusto sa tsaa, kape, usok ng tabako, o mga malalangsang pagkain.
9. Biglaang mga pagnanasa.
Kung ikaw ay naghihinala na buntis ka, maaring magpakonsulta sa iyong doktor upang masiguro at malaman kung paano pangalagaan ang iyong kalusugan at ng iyong sanggol sa loob ng sinapupunan?
Aming iminumungkahi ang aming pregnancy quiz.
Ngunit, habang maaaring gamitin ng kuwiz ang mga sintomas upang makatulong sa pagtukoy ng iyong posibilidad na buntis, ang tanging siguradong paraan upang makumpirma kung buntis ka o hindi ay sa pamamagitan ng pagkuha ng isang pregnancy test.Bisitahin ang seksyon tungkol sa kung paano kumpirmahin ang pagbubuntis para sa gabay kung paano magpa-test sa pagbubuntis.
Mga sanggunian
- “Pregnancy Symptoms: 10 Early Signs That You Might Be Pregnant”, WebMD, www.webmd.com/baby/guide/pregnancy-am-i-pregnant#1
- “Am I pregnant?”, NHS, www.nhs.uk/common-health-questions/pregnancy/am-i-pregnant/
- “Am I pregnant? Quiz”, Clearblue, March 2020, www.clearblue.com/am-i-pregnant/quiz
- “Am I Pregnant Quiz | Early signs of pregnancy”, Planned Parenthood, www.plannedparenthood.org/online-tools/am-i-pregnant
- “Am I pregnant? | Pregnancy Quiz”, Patient, www.plannedparenthood.org/online-tools/am-i-pregnant