Ang pagtalsik ng IUD ay maaaring mangyari sa isang maliit na porsyento ng mga kababaihan sa unang taon pagkatapos ng pagpasok. Ang pagtalsik ay maaaring mas madalas para sa mga babaeng [1]:
- Hindi pa nabubuntis
- Wala pang 20 taong gulang
- May kasaysayan ng napakalakas o napakasakit na regla
- Naglagay ng IUD kaagad pagkatapos manganak o sa pangalawang-trimester na aborsyon.
Ang bahagyang paglabas ay maaaring nangangahulugang wala sa tamang posisyon ang IUD: maaaring masyado itong mababa sa matris at lumabas lang nang kusa. Maaaring nangyari ito sa panahon ng paglalagay, o maaaring may kinalaman ito sa mga katangian ng matris, tulad ng laki, anggulo, o presensya ng mga kondisyon tulad ng fibroids na maaaring magdulot ng hindi regular na hugis. Para sa mga babaeng nakaranas ng paglabas ng IUD, maaaring mas malaki ang tsansang lumabas rin ang pangalawang IUD (hanggang 30% sa ilang pag-aaral)[1].
Hindi pa rin gumagana? Kung gusto mo ang kadalian ng paggamit ng IUD ngunit nagkakaroon ng problema sa pagtalsik, maaari mong subukan na lumipat sa implant – isang pangmatagalan at mababang maintenance na opyson.
Subukan ang ibang pamamaraan: implant
References
-
- Madden T et al. “Association of age and parity with intrauterine device expulsion.” Obstetrics and Gynecology, 2014, 124:718. http://dx.doi.org/10.1097/AOG.0000000000000475 Accessed March 2024.
>