Ang pagtalsik ng IUD ay maaaring mangyari sa isang maliit na porsyento ng mga kababaihan sa unang taon pagkatapos ng pagpasok. Ang pagtalsik ay maaaring mas madalas para sa mga babaeng [1]:
- Hindi pa nabubuntis
- Wala pang 20 taong gulang
- May kasaysayan ng napakalakas o napakasakit na regla
- Naglagay ng IUD kaagad pagkatapos manganak o sa pangalawang-trimester na aborsyon.
Ang bahagyang pagtalsik ay maaaring nangangahulugan na ang IUD ay wala sa tamang posisyon. Maaaring ito ay masyadong mababa sa matris at gumawa lamang ng paraan palabas. Ito ay maaaring isang bagay na nangyari sa oras ng pagpasok o maaaring nauugnay sa mga katangian ng matris, tulad ng laki, anggulo, o pagkakaroon ng mga kondisyon tulad ng fibroids na maaaring magdulot ng irregular na hugis. Para sa mga kababaihan na nagkaroon ng pagtalsik ng IUD, maaaring mas mataas ang pagkakataon na mapaalis ang pangalawang IUD [2].
Hindi pa rin gumagana? Kung gusto mo ang kadalian ng paggamit ng IUD ngunit nagkakaroon ng problema sa pagtalsik, maaari mong subukan na lumipat sa implant – isang pangmatagalan at mababang maintenance na opyson.
Subukan ang ibang pamamaraan: implant
References
- Nelson, A. L., & Massoudi, N. (2016). New developments in intrauterine device use: focus on the US. Retrieved from https://www.dovepress.com/new-developments-in-intrauterine-device-use-focus-on-the-us-peer-reviewed-fulltext-article-OAJC
- World Health Organization. (2016). Selected practice recommendations for contraceptive use. Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/252267/9789241565400-eng.pdf?sequence=1