Kung hindi ka siguradong hindi ka makikipagtalik sa lahat ng araw na maaari kang mabuntis, gumamit ng isa pang pamamaraan ng birth control, dagdag sa mga pamamaraang nakabatay sa kabatiran sa pagiging fertile. Kung gusto mong iwasan ang mga hormone, maaari kang gumamit ng mga condom (para sa lalaki o babae), diaphragm o cervical cap na may spermicide, o sponge.
Hindi pa rin gumagana? Kung nahihirapan ka sa mga pamamaraang nakabatay sa kabatiran sa pagiging fertile at gusto mo ng pamamaraang hindi hormonal, isaalang-alang ang ParaGard IUD. Hindi ito hormonal at hindi ito nangangailangan ng napakaraming pagsisikap.
Sumubok ng ibang pamamaraan: IUD
References:
- Society of Obstetricians and Gynaecologists of Canada. (2015). Canadian Contraception Consensus Chapter 4: Natural Family Planning. JOGC Journal of Obstetrics and Gynaecology Canada. Retrieved from https://www.jogc.com/article/S1701-2163(16)39375-6/pdf