Spermicide

Nagtataka ka ba kung gaano kabisa ang spermicides at kung saan mo ito mabibili? Nagbibigay kami ng detalyadong impormasyon tungkol sa mga contraceptive spermicides dito!
Spermicide

Buod

Ang spermicide ay naglalaman ng mga kemikal na nagpapahinto sa paggalaw ng sperm. Maaaring isa itong cream, film, foam, gel, o suppository. Anuman ang iyong piliin, ipapasok mo ito sa kaloob-looban ng iyong ari nang sa gayon ay mapigilan ang sperm na makalusot sa iyong cervix at pumasok sa iyong matris.

Mabilis na mga katotohanan

  • Madaling mahanap, walang hormone, at hindi kailangan ng reseta
  • Pagiging epektibo: hindi masyadong mahusay ang spermicide kung gagamiting mag-isa. Pinakamahusay itong gumagana kapag ipinares sa isa pang pamamaraang pagharang o barrier. 72 hanggang 82 na indibidwal lamang ang nakakayang pigilan ang pagbubuntis kapag ginagamit ang pamamaraang ito.
  • Mga side effect: walang nagiging problema ang karmaihan, subalit maaari kang makaranas ng iritasyon o ang iyong kapareha
  • Pagsisikap: mataas. Kailangan mo itong ilagay sa bawat pagkakataong makikipagtalik ka
  • Hindi nakakaprotekta laban sa mga sexually transmitted infection (STI).

Mga detalye

Pinakamainam kapag ginamit nang kasabay ng ibang pamamaraan. Pinakamahusay na gumagana ang spermicide kapag ipinares sa iba pang pamamaraan, tulad ng diaphragm o mga external condom (para sa lalaki)/internal condom (para sa babae). Maaari kang gumamit ng spermicide upang mas gawing epektibo ang isang pamamaraang pagharang o barrier, subalit hindi ito masyadong epektibo kapag ginamit nang mag-isa.
Ayos lang sa iyong mabuntis.
Mataas ang antas ng pagpalya ng paggamit ng spermicide nang mag-isa. Kung ayaw mong mabuntis, kailangan mong gumamit ng ibang pamamaraan o gumamit lamang ng spermicide kasabay ng isa pang pamamaraang pangharang o barrier.
Hindi kailangan ng reseta. Hindi mo kailangang magpasuri sa isang medical provider upang gumamit ng spermicide. Isaalang-alang ang pagkakaroon ng condom kasabay nito.
Ang ilang tao ay may allergy sa spermicide. Kung nakakaramdam ka ng iritasyon sa paggamit ng spermicide, maaaring may allergy ka rito. Maraming spermicide at contraceptive gel ang ibinebenta nang may parehong aktibong sangkap – Nonoxynol-9. Kung may allergy ka rito, maaaring hindi ang spermicide ang pinakamainam na opsyon para sa iyo.
Walang HIV ang magkapareha. Isa sa mga aktibong sangkap, ang Nonoxynol-9, ay nagdudulot ng pagbabago sa iyong sensitibong balat. Nagiging mas madali kang kapitan ng HIV dahil dito. Kung may HIV ka o ang iyong kapareha, hindi pa kayo nasusuri kamakailan o nakikipagtalik ka sa iba’t ibang kapareha, makabubuting pumili ka ng pamamaraang makakatulong sa pagprotekta sa iyo laban sa pagkahawa sa HIV.

Paano gamitin

Magkakaiba ang bawat uri ng spermicide, at napakaraming uri na mabibili. Tiyakin lamang na mababasa ang mga tagubilin sa packaging at itsek ang petsa ng pag-expire. Madaling gamitin ang spermicide: ipasok ang spermicide gamit ang iyong mga daliri o gamit ang applicator.
Matapos ipasok, ang ilang spermicide ay nangangailangan na maghintay ka nang sampung minuto bago makipagtalik. Ang mga uring ito ng spermicide ay epektibo lamang nang isang oras matapos mong ipasok ang mga ito. Kakailanganin mong maging maingat sa oras ng paglalagay ng spermicide at pakikipagtalik.

Mga side effect

Magkakaiba ang bawat isa. Ang nararanasan mo ay maaaring iba sa nararanasan ng ibang tao.
Ang Positibo:

  • Madaling gamitin at madali ring makakuha nito
  • Maaaring ipasok bilang foreplay o pampainit ng sandali bago ang pagtatalik
  • Wala itong hormone
  • Hindi kailangan ng reseta
  • Maaaring gamitin habang nagpapasuso

Ang Negatibo:

  • Maaaring maging makalat at/o tumagas palabas ng iyong ari
  • Maaaring makairita sa iyong ari o sa ari ng iyong kapareha
  • Ang ilang tao ay may allergy sa spermicide
  • Maaaring hindi mo magustuhan ang lasa
  • Maraming spermicide ang naglalaman ng Nonoxynol-9, na maaaring magdulot ng iritasyon (lalo na kapag ginamit mo ito nang mahigit isang beses sa isang araw). Maaari iyong humantong sa mas malaking tsansang magkaroon ng mahawa sa HIV at STI.
  • Mahirap alalahanin kapag nakainom ka

Mga sanggunian

[1] Banerjee, et al. (2014). Insights of Spermicidal Research: An Update. Journal of Fertilization: In vitro – IVF-Worldwide, Reproductive Medicine, Genetics & Stem Cell Biology, 3. Retrieved from https://www.longdom.org/open-access/insights-of-spermicidal-research-an-update-2375-4508.1000138.pdf
[2] CHIJIOKE, M. K. (2016). SPERMICIDES AND DIAPHRAGMS. UNIVERSITY OF BENIN CITY: DEPARTMENT OF HEALTH, SAFETY AND ENVIRONMENTAL EDUCATION. Retrieved from https://www.academia.edu/24646826/SPERMICIDES_AND_DIAPHRAGMS
[3] Shoupe, D. (2016). Barrier Contraceptives: Male Condoms, Vaginal Spermicides, and Cervical Barrier Methods. En D. Shoupe, The Handbook of Contraception: A Guide for Practical Management. Retrieved from http://eknygos.lsmuni.lt/springer/677/147-177.pdf
[4] Society of Obstetricians and Gynaecologists of Canada. (2015). Canadian Contraception Consensus Chapter 5: Barrier Methods. JOGC Journal of Obstetrics and Gynaecology Canada , 37. Retrieved from https://www.jogc.com/article/S1701-2163(16)39376-8/pdf
[5] World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1
[6] World Health Organization. (2016). Selected practice recommendations for contraceptive use. Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/252267/9789241565400-eng.pdf?sequence=1
[7] Xia, et al. (2020). DL-Mandelic acid exhibits high sperm-immobilizing activity and low vaginalirritation: A potential non-surfactant spermicide for contraception. Elsevier Masson. Retrieved from https://reader.elsevier.com/reader/sd/pii/S0753332220302961?token=063F3CA5FE829FE276755EF2EE8152EBC11B2906592153330A395D73878C354BC3E701A06960C98C04FA57B0D8AB401A