Maaari isuksok ang kondom hanggang walong oras bago makipagtalik. Ito ay nagbibigay sa iyo ng kontrol sa iyong kaligtasan sa pakikipagtalik at nagbibigay-daan sa iyo upang masiyahan sa pakikipagtalik nang hindi kinakailangang mag-alala tungkol sa pagbubuntis.
Ang unang hakbang ay suriin ang pakete ng kondom para sa petsa ng pag-expire at anumang punit o butas. Ang isang kondom na expired o may punit ay nagpapataas sa panganib ng pagbubuntis at STIs.
Paano isuot ang kondom
– Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig. Hayaan silang matuyo ng kusa nang hindi humahawak sa anumang bagay.
– Maingat na alisin ang kondom mula sa balot.
– Maglagay ng pangpadulas at pamatay binhi (kung gusto) sa labas na bahagi ng saradong dulo ng kondom. Ang pangpadulas ay tutulong upang maiwasan ang pagkakasira ng kondomat ang pamatay binhi ay nagpapalakas sa bisa ng pamamaraang ito (lalo na sa mga pagkakataong ang kondom ay nasira o natanggal).
– Habang nakaupo o nakatayo, ikalat ang iyong mga binti. Pigaing magkasama ang mga gilid ng saradong-ring at ipasok ito tulad ng tampon.
-Itulak ang singsing hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng iyong puki. Itulak ito patungo sa iyong serbiks. Kusang lalaki ang kondom, at malamang hindi mo ito mararamdaman.
– Siguraduhing hindi nakapilipit ang kondom. Hayaan ang labas na singsing na magbitin ng humigit-kumulang isang pulgada sa labas ng iyong puki (mukhang medyo kakaiba ito).
– Gabayan ang matigas na ari ng iyong ka-partner papasok sa bukas na bahagi ng kondom. Kung nararamdaman mo na ang ari ay nadulas sa pagitan ng kondomat ng pader ng puki o kung ang labas na singsing ay natulak papasok sa puki, itigil ang pagtatalik at ayusin o palitan ang kondom.
– Huwag kang mag-alala kung gumagalaw ang kondom mula sa isang gilid patungo sa kabilang gilid habang kayo ay nagtatalik. Kung ang ari ay lumabas mula sa kondom at pumasok sa iyong puki o tumbong, dahan-dahang alisin ang kondom at muling ipasok ito. Kung sa aksidente ay nag-ejaculate ang iyong ka-partner sa labas ng kondom at pumasok sa iyong puki, maaari mong isaalang-alang ang Pang-emerhensiyang kontrasepsyon upang maiwasan ang panganib ng pagbubuntis.
– Kung ginagamit mo ang panloob na kondom para sa pagtatalik sa pwet, sundin ang parehong proseso.
– HUWAG gamitin ang panloob na kondom kasabay ng panlabas na kondom. Ang paggamit ng dalawang uri ng kondom sabay ay hindi nagdodoble sa iyong proteksyon, ito ay nagpapataas lamang ng tsansa na pareho silang masisira.
– Tandaan, kung ito ang iyong piniling pamamaraan, kailangan mong gumamit ng kondom SA BAWAT PAGKAKATAON (2).
Paano alisin ang panloob na kondom
– Pigain ng mabuti ang labas na singsing at ikabit upang hindi tumapon ang tamod.
– Dahan-dahang hilahin at alisin ang kondom.
– Itapon ito sa lugar na hindi maabot ng mga bata. Huwag itapon sa inidoro – maaari itong magdulot ng bara sa iyong tubo.