Huwag muna ngayon

Nais mo bang magsanay ng pag-iwas bilang isang paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis? Nagbibigay kami dito ng detalyadong impormasyon tungkol dito, mga pakinabang, banta, at dehado.
Huwag muna ngayon

Buod

Ang “huwag muna ngayon” ay isang paraan ng pagsasabi ng abstinence o pag-iwas sa pakikipagtalik, o “walang pagtatalik na gamit ang ari ng babae at lalaki.” Napakaepektibong pamamaraan nito – gayunman, para sa ibang tao, maaaring maging napakahirap nitong gamitin. Kapag ginagamit mo ito sa lahat ng oras, garantisadong hindi ka mabubuntis. Kung umiiwas ka sa lahat ng sekswal na aktibidad, magiging ligtas ka sa mga sexually transmitted infection (STI).

Mabilis na mga katotohanan

  • Kapag hindi ka nakipagtalik, hindi ka mabubuntis
  • Pagiging epektibo: Ang “huwag muna ngayon” ay 100% epektibo kapag hindi ka nakipagtalik
  • Mga side effect: wala
  • Pagsisikap: mataas. Kailangan mong magkaroon ng maraming kontrol, at gumagana lamang ito kapag hindi ka nakipagtalik gamit ang iyong ari

Mga detalye

Nangangailangan ito ng disiplina at kaseryosohan. Ang pagsasabi ng “huwag muna ngayon” ay gumagana lamang bilang pamamaraan ng contraceptive kapag tuluy-tuloy mo itong ginagawa.
Mahusay na kakayahan sa pakikipag-usap. Kung nakikipag-date ka o nasa isang relasyon, kakailanganin mong sabihin sa iyong kapareha kung ano ang okey at hindi okey. Nangangahulugan ito na kailangan mong maging komportable sa pakikipag-usap sa iyong kapareha at pagsasabi sa kanila kung anong iniisip mo.
Mayroon kang suporta. Kung nasa isang relasyon ka, pareho niyong kailangang sumang-ayon sa hindi pagtatalik na gamit ang ari ng babae. Pero tandaan mo, ang pagsasabi ng “huwag muna ngayon” ay hindi nangangahulugang hindi ka pinapayagang maging masaya. Isa itong mahusay na pagkakataon upang maging malikhain sa iyong buhay-pakikipagtalik.

Paano gamitin

Hindi ka makikipagtalik gamit ang iyong ari. Ang pamamaraang ito ay mulat at kusang desisyon na hindi makipagtalik gamit ang iyong ari. Isa itong desisyong kailangan mong alalahanin araw-araw. Upang maipagpatuloy ang paggamit nito, patuloy na paalalahanan ang sarili mo kung bakit mo pinipiling hindi makipagtalik gamit ang ari. Nakakatulong ding isipin ang mga potensyal na kahihinatnan ng pagbabago ng iyong isip. Kung magpapasya ka mang makipagtalik, tiyaking protektado ka gamit ang iba pang epektibong pamamaraang contraceptive.
Iba pang mga makatutulong na payo:

  • Iwasang ilagay ang sarili mo sa mga sitwasyon kung saan magiging mahirap na panindigan ang iyong desisyon.
  • Pag-isipan din ang pag-iwas sa alkohol at droga – maaaring makasagabal ang mga ito sa iyong mahusay na pagpapasya.
  • Maghanap ng mga taong makakausap mo tungkol sa iyong desisyon at umasa sa kanilang suporta.
  • Pag-usapan ninyo nang mabuti ng iyong kapareha ang iyong desisyon bago niyo pa matagpuan ang mga sarili niyong nasa init ng sandali.
  • Maging direkta at malinaw sa iyong kapareha tungkol sa iyong mga limitasyon.
  • Tumuklas ng ibang sekswal na opsyon na ikaliligaya niyo rin.

Mga side effect

Magkakaiba ang bawat isa. Ang nararanasan mo ay maaaring iba sa nararanasan ng ibang tao.
Ang Positibo:

  • Hindi mo kailangang gumastos ng kahit anong halaga
  • Hindi kailanman nagdudulot ng mga side effect

Ang Negatibo:

  • Maaaring maging mahirap imentina
  • Mahirap panindigan ang plano kapag lasing ka

Mga sanggunian

[1] Reproduction, (HRP) Department of Reproductive Health and Research World Health Organization. Retrieved from https://www.gfmer.ch/Endo/Lectures_11/Naturalc.htm

[2] SOGC The Society of Obstetricians and Gynaecologists of Canada. (2016). Contraception. Retrieved from https://www.sexandu.ca/wp-content/uploads/2016/09/Contraception_Methods_Booklet.pdf

[3] Society of Obstetricians and Gynaecologists of Canada. (2015). Canadian Contraception Consensus Chapter 4: Natural Family Planning. JOGC Journal of Obstetrics and Gynaecology Canada. Retrieved from https://www.jogc.com/article/S1701-2163(16)39375-6/pdf

[4] Vogelsong, K. M. (2017). Natural Contraceptive Methods. UNDP/UNFPA/WHO/World Bank Special Programme of Research, Development and Research Training in Human Reproduction, (HRP) Department of Reproductive Health and Research World Health Organization. Retrieved from https://www.gfmer.ch/Endo/Lectures_11/Naturalc.htm

[5] World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1

[6] World Health Organization. (2016). Selected practice recommendations for contraceptive use. Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/252267/9789241565400-eng.pdf?sequence=1