May panganib ba kapag gumamit ng tampons o menstrual cup kasabay ng ring?

Hindi nakakasagabal ang tampons at menstrual cups sa pagpigil ng ring sa pagbubuntis. Kung nasa loob ang iyong ring habang tinatanggal mo ang iyong tampon o cup, maaari mo itong mahila nang bahagya papalabas. Maaaring makayamot ito kung madalas itong mangyari.
Kapag ipinapasok ang iyong tampon o cup, tiyakin munang nasa kaloob-looban ang ring mo. Tapos, iposisyon ang tampon o cup. Kung mangyayari pa ring mahila mo papalabas ang ring, maaari mo itong banlawan ng malinis na tubig at kaagad na ibalik sa loob.
Kung madalas itong mangyari at ayaw mo ito, subalit gusto mong patuloy na gamitin ang ring, subukang gumamit ng sanitary pads o napkin.


References:

  1. World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1