Walang mas mabuti sa anumang pamamaraan pagdating sa kapaligiran.
Ang ilan sa mga hormone mula sa ring ay papasok sa kapaligiran sa pamamagitan ng ihi ng babae. Pero mas kaunti naman iyon kaysa sa iba pang pinagmumulan ng estrogen sa kapaligiran.
Ang estrogen na nagmumula sa mga industriyal na proseso at mga proseso ng pagmamanupaktura, mga pataba at pestisidyo, at mga gamot na ibinibigay sa mga hayop ay pumapasok sa kapaligiran nang higit na mas marami kumpara sa estrogen sa ihi ng babae mula sa ring.
Kung ayaw mong magdagdag ng hormones sa kapaligiran o sa katawan mo, mayroong mga pagpipilian para sa iyo. Parehong magagandang opsyon ang mga natural na latex condom at ang tansong IUD. Anuman ang pasya mo, pumili ka ng pamamaraan at patuloy iyong gamitin.
Hindi pa rin gumagana? Kung gusto mong gumamit ng napakaepektibong pamamaraan na walang hormone, subukan ang hindi hormonal na IUD.
References:
- World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1