Sterilization

Ano ang isang pamamaraan ng vasectomy? Ito ay isang pamamaraan na nagsasara o nakaharang sa mga fallopian tubes upang maiwasan ang pagbubuntis.
Sterilization

Buod

Maaaring piliin ng parehong lalaki at babae ang sterilization. Para sa mga babae, ang sterilization ay proseso kung saan isinasara o hinaharangan ang iyong mga fallopian tube nang sa gayon ay hindi ka mabuntis. Para sa mga lalaki, ang sterilization ay tinatawag na vasectomy. Hinaharangan nito ang mga tubong dinadaanan ng sperm ng lalaki. Makipag-usap sa isang health care provider para matuto nang higit pa at tiyaking magtanong tungkol sa anumang requirement, tulad ng mga limitasyon sa edad at mga panahon ng paghihintay. Mga uri ng sterilization:May hiwa o incision . Mayroong opsyon ang parehong lalaki at babae na dumaan sa sterilization nang may hiwa o incision. Para sa mga babae, ang Laparoscopy, Mini-Laparotomy, at Laparotomy ay nangangailangan ng incision o hiwa. Dahil doon, nangangailangan rin ito ng anesthesia. Maaari itong tumagal mula 2 hanggang 21 araw bago makapanumbalik mula sa operasyon.
Ang vasectomy na may kasamang hiwa para sa mga lalaki ay tumatagal ng 20 minuto. Nangangailangan lamang ito ng local anesthetic. Magsasagawa ng isa o dalawang hiwa sa scrotum o bayag nang sa gayon ay hindi makapasok ang sperm sa seminal fluid. Dahil hindi makalabas ang sperm, hindi mabubuntis ang babae.
Walang hiwa o non-incision. Ang essure ay isang proseso para sa ma babae na hindi kinasasangkutan ng operasyon o anesthesia. Ang mga fallopian tube ay inaabot sa pamamagitan ng ari ng babae, kung saan naglalagay ng mga micro-insert. Ang mga insert na ito ay nagiging dahilan para may tumubong peklat o scar tissue na siyang bumabara sa mga tube. Sa “parehong araw” din nagagawang makapanumbalik at hindi dapat nito maapektuhan ang mga normal na aktibidad. Tumatagal nang ilang buwan bago mabuo ang peklat o scar tissue para maging epektibo ang pamamaraang ito.
Ang pamamaraang vasectomy na walang hiwa para sa mga lalaki ay nagsasangkot ng maliit na butas sa aabot sa kanyang mga tube. Tapos, itatali, papasuin, o babarahan ang kanyang mga tubo. Walang peklat, tahi, at kilala ang pamamaraang ito sa mabilis na paghilom nang walang komplikasyon.

Mabilis na mga katotohanan

  • Isang permanenteng solusyon para sa mga nakakaalam na ayaw na nilang magbuntis sa hinaharap. Available ito para sa mga katawan ng lalaki at babae
  • Pagiging epektibo: napakaepektibo. 99 sa bawat 100 indibidwal ang matagumpay na nakakapagpigil ng pagbubuntis gamit ang mga pamamaraang ito.
  • Mga side effect: posibleng pananakit o kahirapang kumilos pagkatapos na pagkatapos ng proseso
  • Pagsisikap: mababa. Ipapagawa mo ang proseso, at wala ka nang kailangang gawin
  • Hindi nakakaprotekta laban sa mga sexually transmitted infection (STI).

Mga detalye

Ganap na katiyakan. Bago ka magpa-sterilize, kailangan mong maging 100% tiyak na ayaw mong magkaroon ng bayolohikal na mga anak.
Sino ang dapat sumailalim sa prosesong ito? Maaaring gawina ng sterilization para sa mga lalaki o babae, kaya kung binabalak mong manatiling kapareha ng iisang tao sa loob ng mahabang panahon, mag-usap kayo kung sino ang sasailalim sa prosesong ito.
Walang alalahanin tungkol sa hormones. Kung ayaw mong gumamit ng pamamaraang hormonal, isa ito sa mga mapagpipilian mo. Dagdag pa, hindi binabago ng sterilization ang natural na hormones ng iyong katawan.
Sapat na ang laki ng iyong pamilya. Magandang pagpipilian ito kung mayroon ka nang sapat na bilang ng mga anak, o kung ayaw mo ng anak.
Kapag magdudulot ng mga malulubhang problemang pangkalusugana ng pagbubuntis. Kung mayroong medikal na dahilan kung bakit hindi kayo dapat magbuntis ng kapareha mo, maaaring magandang piliin ang sterilization.
Pagiging available. Gusto mo bang gamitin ang pamamaraang ito? Available ang pamamaraang ito sa lahat ng bansa. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng mga restriksyon pagdating sa edad at pahintulot ng asawa o magulang. Tingnan ang seksyon ng “Mga pamamaraan sa bansa ko” para makaalam ng higit pa

Paano gamitin

Mayroong dalawang uri ng pamamaraang sterilization: incision o may hiwa (magsasagawa ng mga hiwa ang isang health care provider) at non-incision (walang hiwa).
Para sa mga babae: Kabilang sa mga pamamaraang may hiwa ang Laparoscopy, Mini-laparotomy, at Laparotomy. Ang Laparotomy ang pinakamayor na operasyon sa tatlo, subalit ito rin ang pinakabihira. Nangangailangan ito ng pamamalagi sa ospital nang ilang araw at maaaring tumagal nang ilang linggo bago gumaling at makapanumbalik. Ang Laparoscopy at Mini-Laparotomy ay hindi kasingtindi, hindi nangangailangan ng pamamalagi sa ospital nang magdamag, at mas mabilis ang panahon ng paggaling at pagpapanumbalik.
Sa pamamaraang non-incision na Essure, ipinapasok sa bukasan ng iyong cervix at matris ang isang manipis na instrumentong parang tubo nang sa gayon ay mailagay ang maliit na insert sa bawat fallopian tube. Ang Essure ay naglalaman ng 1 ½” na bakal na coil; may mamumuong peklat o scar tissue sa palibot ng mga insert upang barahan ang iyong mga tube.
Mas madali at mas mura ang non-incision sterilization; maaaring tumagal lamang ng tatlo hanggang 15 minuto ang aktwal na pagpapasok, at makakauwi ka rin sa parehong araw. Hindi mo kailangan ng general anesthesia o operasyon, at mas madali kang gagaling at makakapanumbalik. Isa pa, kapag walang hiwa, wala ring makikitang peklat. Kakailanganin mo ng pangalawang pamamaraan sa loob ng tatlong buwan, tapos magpa-x-ray upang makatiyak na ganap nang nabarahan ang mga tube. Kaagad na nagkakaroon ng bisa ang mga pamamaraang incision o may hiwa.
Para sa mga lalaki: ang pamamaraang incision o may hiwa ay tinatawag na vasectomy. Ito ay mabilis na prosesong nangangailangan ng pagbisita sa isang healthcare provider, subalit hindi nangangailangan ng pamamalagi sa klinika o ospital nang magdamag. Gagamit ang provider ng local anesthesia upang mamanhid ang scrotum o bayag, gagawa ito ng maliit na hiwa, tapos itatali at puputulin o seselyuhan ang mga tube. Haharangan ng hiwa ang sperm nang hindi ito makarating sa semen, subalit maaaring may manatiling sperm sa paligid ng mga tube nang ilang buwan. Mabilis na maghihilom ang hiwa at hindi na nito kailangang tahiin, subalit kailangan mong gumamit ng isa pang pamamaraan ng contraception sa loob ng tatlong buwan ( tulad ng condom ).

Mga side effect

Magkakaiba ang bawat isa. Ang nararanasan mo ay maaaring iba sa nararanasan ng ibang tao.
Ang Positibo:

  • Maaari kang makipagtalik nang hindi nag-aalalang mabuntis
  • Ipagawa mo nang isang beses ang proseso, at hindi mo na ito kailangang isipin pa ulit
  • Walang ipapasok na hormones sa iyong katawan

Ang Negatibo:

  • May napakabihirang tsansang muling kumonekta ang iyong mga tube sa isa’t isa – na maaaring humantong sa pagbubuntis
  • Posibleng magkaroon ng mga komplikasyon sa operasyon, tulad ng pagdurugo, impeksyon, o reaksyon sa anesthesia
  • Para sa pamamaraang Essure, maaaring mawala sa pwesto ang mga coil
  • Gayundin sa Essure, maaaring mapinsala ang matris habang ipinapasok ang mga coil (bihira ito)

Mga sanggunian

[1] Cook LA, et al. (2014). Vasectomy occlusion techniques for male sterilization (Review). John Wiley & Sons. Retrieved from https://www.cochranelibrary.com/cdsr/doi/10.1002/14651858.CD003991.pub4/full/es
[2] Dr Marie Marie Stopes International. (2017). Contraception. Retrieved from http://www.mariestopes.org.au/wp-content/uploads/Contraception-brochure-web-200417.pdf
[3] FPA the sexual health charity. (2015). Your guide to male and female sterilisation. Retrieved from https://www.fpa.org.uk/sites/default/files/male-and-female-sterilisation-your-guide.pdf
[4] FSRH Faculty of Sexual & Reproductive Healthcare. (2014). Male and Female Sterilisation. RCOG, London. Retrieved from https://www.fsrh.org/standards-and-guidance/documents/cec-ceu-guidance-sterilisation-cpd-sep-2014/
[5] Patil, E., & Jensen, J. T. (2015). Update on Permanent Contraception Options for Women. Current Opinion in Obstetrics and Gynecology. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4678034/
[6] Reproductive Health Access Project. (2018). Permanent Birth Control (Sterilization). Retrieved from https://www.reproductiveaccess.org/wp-content/uploads/2014/12/sterilization.pdf
[7] RCOG Royal College of Obstetricians and Gynaecologists. (2016). Female Sterilisation. Royal College of Obstetricians and Gynaecologists, London. Retrieved from https://www.rcog.org.uk/globalassets/documents/guidelines/consent-advice/consent-advice-3-2016.pdf
[8] World Health Organization. (2016). Selected practice recommendations for contraceptive use. Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/252267/9789241565400-eng.pdf?sequence=1
[9] World Health Organization Department of Reproductive Health and Research and Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health Center for Communication Programs (2018) Family Planning: A Global Handbook for Providers. Baltimore and Geneva. Retrieved from https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/260156/9780999203705-eng.pdf?sequence=1