Ano ang pinagsama-samang tableta?
Ang Pinagsama-samang tableta, na karaniwang tinatawag din bilang “birth control pill” o “the pill,” ay isang maliit na tabletang naka-pack para sa bawat buwan. Tinatawag itong “oral contraception” ng ilan. Iniinom ito isang beses sa isang araw, at sa parehong oras araw-araw. Maraming iba’t ibang uri ng Pinagsama-samang kontraseptibong tableta ang magagamit, at patuloy na may mga bagong pagpipilian na inilalabas sa merkado. Ang Pinagsama-samang tableta ay naglalaman ng maliit na dosis ng sintetikong hormonang estrogen at progestin, na katulad ng hormona na estrogen at progesterone na natural na matatagpuan sa katawan ng isang babae.
Paano gumagana ang isang pinagsamasamang tableta?
Gumagana ito sa pamamagitan ng:
Paggawa ng mga hakbang upang maiwasan ang obyulasyon (ang paglabas ng mga itlog mula sa obaryo); ang mga hormonang ito ay nagpapigil na lumabas ang mga itlog mula sa mga obaryo.
Ginagawa nitong malapot ang mga myukus sa serviks; ito ay gumagawa ng pagkaabala sa mga spermatozoa na pumasok sa matris upang mabuo ang isang itlog.
Pinaninipis nito ng haligi ng matris; ito ay pinipigilan na dumikit ang isang nabuo nang itlog sa matris.
Pagkakabisa
Ang kakayahan ng tableta na maiwasan ang pagbubuntis ay nakasalalay sa gumagamit nito. Mas malaki ang posibilidad na mabuntis ka kung nagpatagal ka ng tatlong araw o higit pa bago magsimula ng bagong pakete o kung hindi mo na ito ininom ng tatlong o higit pang pills sa simula o katapusan ng isang pakete ng mga tableta. Kapag ang mga tableta ay ginamit ng tama – ibig sabihin nito ay walang mga tabletang nakalimutang inumin, ang mga tableta ay muling sinisimulan sa tamang oras (pagkatapos ng mga Hindi hormonang tableta/o linggong walang tableta), at ginagamit ang isang reserbang paraan kapag kinakailangan – ang tableta ay maaaring magkaroon ng 93% na pagka-epektibo sa pag-iwas sa pagbubuntis. Sa mga kaso kung saan ang mga hormonang tableta ay itinataguyod nang walang pitong araw na pahinga, maaaring maabot ng tableta ang 99% na epektibo sa pag-iwas sa pagbubuntis.
Paano naiiba ang Pinagsama-samang tableta mula sa mga progestin lamang?
Iba sa mga progestin lamang na tableta, ang mga tabletang naglalaman lamang ng isang sintetikong hormona (progestin), ang Pinagsama-samang tableta ay naglalaman ng dalawang sintetikong hormona (estrogen at progestin).
Ang Pinagsama-samang tableta ay maaaring matagpuan sa iba’t ibang mga tatak at may dalawang uri ng paketa ng 21 o 28. Ang karaniwang buwanang pack ng kombinasyong 28-tabletas ay mayroong tatlong linggong ng mga tableta na may hormona at isang linggo ng mga tableta na wala namang hormona, bagaman mayroon ding ibang pinaikling tagal na walang hormone (24 araw na may/4 na araw na walang hormone). Mapapansin mo na ang huling mga tabetas ay may ibang kulay. Ito ay dahil ang mga pill na ito ay hindi naglalaman ng mga hormona. Iinumin mo ang mga tableta na walang hormona habang naghihintay ka ng iyong madatnan ng iyong regla sa buwan na iyon. Makakakita ka ng isang instruksiyon sa loob ng pakete tuwing bumibili ka ng isang packet ng mga pill. Lagi mong basahin nang mabuti ang mga tagubilin at siguraduhing nauunawaan mo kung ano ang kailangan mong gawin kung nakaligtaan mong uminom ng tableta o mayroon kang nararamdaman na pagkahilo [1].
May mga tableta na nagbibigay sa iyo ng regular na regla kada buwan, iba namang klase ang nagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng regla kada tatlong buwan, at mayroon ding nagpapahintulot sa iyo na hindi magkaroon ng regla sa loob ng isang buong taon. Maaari mo rin piliin na hindi magkaroon ng regla sa pamamagitan ng pag-inom lamang ng mga tableta na naglalaman ng hormona ng kahit anumang tatak. Dahil mayroong maraming iba’t ibang uri ng tableta na laging mabibili sa merkado at medyo nakakalito ang paghanap ng tamang pagpipilian, maaaring makatulong sa iyo ang isang Taga-pagangalagang pangkalusugan o isang nakapag-training sa manggagawang pangkalusugan ng komunidadupang malaman ito [2].
Ano ang hitsura ng Pinagsama-samang tableta?